![]() |
Yup, kakapagod magbasa ng libro at makipagtsisimisan sa kapitbahay. |
Malamang e nakikita ninyo dati itong nagkalat sa sirkulasyon sa FaceBook na parang pinapakitang mabigat ang trabaho ng isang bubae. Ilang taon ang nakaraan, dati, malamang e tumango ako sa opinyong katulad ng nasa picture na ito at sumang-ayon at sabihing, “Tama, andaming kupal na lalaki sa mundo at kinakawawa ninyo ang mga bubae!”
Sa
maniwala kayo’t hinde, buong sinseridad kong pinaniniwalaang ganyan nga ang mundo –ang mga
bubae ang bida at ang mga lalaki ang mga mapang-api at kontrabida. Not that I was doing
it so that I would roll into pussy heaven (hindi rin naman umepek, kung akong
tatanungin nyo), pero sincere akong naniniwalang mga under-appreciated ang mga
babae at natatapakan, atbp. Pero, merong ilang pangyayari sa aking buhay nagpapatunay
na hindi ito totoo at isang myth laang ang lahat. Pagdating sa kakupalan, parehas laang ang mga bubae at lalaki.
Ngayon, bago tumaas ang feministang kilay ng mga bubaeng nagtityagang magbasa, basahin nyo muna ito nang buo para maintindihang tungkol sa gender equality ang gusto kong palabasin. Hindi ko ibinababa ang mga bubae, bagkus, iniaangat ko pa nga kayo sa kupal level ng mga lalaki. Gender equality rin 'yun, 'di ba?
At sa puntong ito e napapaisip na kayong mukang hindi ko alam ang ibig sabihin ng terminong gender equality. Sige, malamang e mali nga ang gamit ko ng term at alam kong mali ito kapag nagkagoogle-an na. Pero, ang punto ko, pare-parehong tayong mga kupal -mapalalaki man o bubae.

Tatlong
myth-busting na pangyayari na nagpapatunay sa aking pagdating sa kakupalan,
pantay laang ang mga bubae at lalaki:
1.
MRT Segregation Scheme (2007)
Hihirit-hirit ang mga bubae ng gender equality, tapos e hihingi sila ng espesyal na pagturing sa MRT. Lagi na laang
panghirit ng mga feminista (gender equality activist o kung anuman ang tawag
na gusto nila) e pantay laang raw ang mga lalaki at bubae, pero 'pag
ganyang pabor sa kanila, hindi nila sasabihing, "Mali 'to. Dapat pantay-pantay
tayo. Lalaki -babae, walang pinagkaiba. Dapat e patas laang. Tatayo rin kami
kung dumating kami na puno na ang tren ng MRT."
Sa MRT Segregation Scheme e merong isang espesyal na section na
nakalaan para sa mga bubae (matatanda at may kapansanan, mapalalaki man o bubae). Hindi ba't pang-uuri ito at parang pagsasabing mas mahina ang mga bubae? Bakit hindi sila umalma? Alam ko na ang sagot: Para hindi matsansingan? Pano na yung hindi naman katsansing-tsansing? Feeling nila katsantsing-tsansing rin sila?
Ang pinakamalaking bagay na sumira sa akin ng myth na ito e ang naranasan ko ilang taon matapos ipatupad ang
segregation scheme na ‘to. Magiging ama na ako noon at kasama ko ang misis kong
buntis ng ilang buwan. Kung ilan eksakto e hindi ko alam. Pero ang alam ko, sa
laki ng tyan nya e hindi naman siguro sya mapapagkamalang kagagaling laang sa
isang pyesta o handaan kaya't ganung kabundat.
Sabi ko sa sarili ko, aba’t mahaharap ako sa
sitwasyong magagamit ko ang ‘pribilehiyo’. Dahil kailangan ako ng aking misis sa kanyang tabi, pinapasok ako sa espasyong nakatakda lamang para sa mga nilalang na
kinikilala ng ating batas bilang mahihinang uri. Aba’y mas maluwag nga’t mas
maalwan, makakatayo ka ng hindi nalalaman ng ilong mo kung ano ang kinaing tanghalian ng kapwa mo pasahero.
Ang disillusionment na naganap
Nakatayo kami ng buntis kong asawa noon. Uulitin ko, halatang buntis na asawa ha, hindi lang four months. Ni isa sa mga bubaeng naroroon, walang nagpaupo sa asawa kong buntis. Isang buntis! At kapwa nila bubae! Ni isa sa kanila, walang nagpaupo? Naghihintay ba silang merong lalaking magpaupo sa kanya? Ng lalaki sa isang 'for female passengers only' na section?
Note: 2007 ang pangyayaring ito. Balita ko e sa taong ito, 2014, e pinaparaffle na raw ang mga token sa MRT dahil sa sobrang siksikan at ang mga buntis na merong planong magpaabort, pero tinatanggihan ng mga ospital, e dito sumasakay.

2.
Rafael Rosel vs Rovic (Early 2000s)
![]() |
Tabing-Ilog, mas maganda pa sa Dawson's Creek |
Nung
kasagsagan ng kasikatan ni Rafael Rosel dahil sa isang patalastas ng
toothpaste, isiningit nila ang aktor na ‘to sa love team nina Eds (Kaye Abad)
at Rovic (John Lloyd Cruz) sa Tabing-Ilog.
Ito e matapos nang magdaan nina Rovic at Eds sa iba’t ibang pagsubok,
pagtatampuhan, pagbabati, at ilang karanasan sa buhay na maituturing mong milestones
sa buhay nila. Silang dalawa ang pundasyon ng buong series.
Ang pagsingit na ‘to ni Oliver (Rafael Rosel) e parang pampaanghang laang dapat kumbaga sa isang love team na nasasadlak sa isang plateau. Kumbaga sa wrestling, ginawa laang triple threat ‘yung love team para maging mas interesting, pero, dahil sa nararamdamang pagsikat ni Rafael Rosel, talagang kumaribal ito sa orig na love team.

Tandaan
ninyong ito e nung panahong wala pang alam na season-season o book-book ang mga
serye noon. Hindi tapos ang pagshu-shoot ng buong serye bago ito ipalabas. Ibig
sabihin nito, maaari nilang baguhin ang tinatakbo ng isang serye dahil sa pagkawala o pagdagdag ng artisita o dahil sa ratings. Kaya’t
sa gitna ng isang serye, maaring magbago ng direksyon ang isang soap. At
‘yun ang kanilang ginawa. Inisip nilang kayang dalhin ng agos ng kasikatan ni Rafael
Rosel ang buong palabas, isang role na ginagampanan nang matino ni John Lloyd
non.
Hindi
ko alam kung hindi sila desidido nang ganap o gusto nilang gimikan talaga ang
palabas at sumaydlayn sa pamamagitan ng text votes. Ang ginawa nila e nagpaboto
sila sa pamamagitan ng text votes kung sino dapat ang makatuluyan ni Eds. Ibinoto at kinampanya ko pa si Rovic sa mga pamilya't kaibigan kong walang alam sa Tabing Ilong dahil siya ang tunay... Teka, ipapaliwanag ko pa ba?
Fast forward tayo. Nanalo si Rafael Rosel at sila ang ikinasal ni Eds dahil sya ang pinili na karamihan ng mga bubaeng tagapagtangkilik ng pabas. At isinantabi si Rovic. Kelangan pa yata nilang gamitan ng amnesia si Rafael Rosel para mapaltan uli ni Rovic sa huli.
Fast forward tayo. Nanalo si Rafael Rosel at sila ang ikinasal ni Eds dahil sya ang pinili na karamihan ng mga bubaeng tagapagtangkilik ng pabas. At isinantabi si Rovic. Kelangan pa yata nilang gamitan ng amnesia si Rafael Rosel para mapaltan uli ni Rovic sa huli.
Ang disillusionment na naganap
Ano
na ang nangyari sa romantic feelings ng mga bubae? Nasan na ang ilang taong
pagsasama nina Rovic at Eds? Hindi mahalaga sa kanila ‘yun? Lahat ng ito winaldas
nila dahil sa bago nilang crush na model ng toothpaste?! Ngayon, ‘pag
pinaratangan tayong mga lalaking napaka-superficial na ipagpapalit ang
kanilang mga GF at asawa sa mga mas bata, mas sexy, mas maganda, tandaan ninyo ang
tatlong katagang ito: Rafael Fucking Rosel!
![]() |
Dahil ang gusto ng mga bubae sa isang lalaki e sensitive. |
3.
Appreciation (Kelan laang)
Lagi
na laang ito ang hirit ng mga bubae: “Hindi mo ako naaappreciate...” Hindi napansing
binago ang hati ng buhok, hindi napansing ipinagluto ng fried chicken (sobrang
sarap akala ng lalaki e delivery mula sa Jollibee), hindi napansing bagong
ahit ang kilay, hindi napansin ang natural-look na makeup na ang desired effect e parang walang makeup.
Ang disillusionment na naganap
Alam nyo kung ano ang hindi napapansin ng mismong asawa ko at hindi pinasasalamatan? Ang yagbols kong lingguhan kong inaahit! Alam nyo ba kung gaanong kabusising mag-ahit ng rambutan? (Basahin nyo na rin iyung link ng nakapending na patent nung sistemang naimbento ko kung paano mag-ahit sa banda iyun.)
Pupwedeng makatuklas ako ng panibagong malinis na pagkukunan ng enerhiya at ang mapapansin ng misis ko e ang nalimutan kong imising medyas na naiwan sa lababo. Pagdating sa pag-aappreciate, pare-parehas laang tayong hindi naaappreciate.

Nagdedemand
sila ng appreciation para sa mga chores sa bahay. E pano na ang mga face-melting
presentations ng asawa/ BF nilang nagtatarbaho sa isang events? O kaya e ang
crafty schemes na ginawa ng mister/ bf nila para mapanatili niya ang sarili niya
sa posisyon sa kompanya?
Para sa ladies: Kelan ninyo huling pinuri ang asawa/ bf nyo para sa nagagawa niyang mahusay sa kanyang trabaho? See? Gender equality. Pare-pareho laaang tayong kupal.
Para sa ladies: Kelan ninyo huling pinuri ang asawa/ bf nyo para sa nagagawa niyang mahusay sa kanyang trabaho? See? Gender equality. Pare-pareho laaang tayong kupal.
On a serious note: I still
feel for all females around the world. Naniniwala pa rin akong maraming hindi tamang ginagawa sa mga
bubae sa ibang panig ng mundo: hindi pa rin sila pwedeng mag-aral, bumoto o magdrive
ng kotse, ibinebenta sila’t ibinabarter para sa kamelyo, nirereyp, etc. Pero ang buong
punto ko e tungkol sa context ng mga Pinay sa isang mundong nagkaroon na tayo ng
dalawang presidenteng bubae at ang hari sa bahay e ang misis ko.