Wednesday, January 30, 2013

Dapat bang makulong si Carlos Celdran?


You know what we need? Ballsy protesters like Carlos Celdran. Kabaong bilang simbulo ng opresyon? Pagsunog ng effigies ng mga nirereklamong personalities, gaya ni GMA? Hunger strike? Ho-hum! Boooo-ring! Magdamit na ala-Jose Rizal na may bitbit na karatulang ‘DAMASO’ at magsisigaw ng “Stay out of our politics!” sa isang ecumenical service na ang attendees e gaya ng mayor na si Alfredo Lim at mga importanteng obispo? Now, that’s a goddamn protest!


Rehearsal 'to sa pagsundo niya sa NAIA sa isang foreginer na ang pangalan e Damaso

Ngayon, dalawa’t kalahating taon matapos ang stunt na maililinya ko sa isang WWF Attitude Era o MTV Jackass stunt, e nasentensyahan syang makulong mula dalawang buwan hanggang higit isang taon. What’s wrong with that?  

Maraming nagsasabing pagsikil raw ito sa freedom of expression. Freedom of expression? Don’t get me wrong. I’m all for freedom of expression. Pero, meron itong limitasyon at hangganan; may tamang oras, may tamang lugar -gaya ng internet dahil suspended ang CLL. Hiling ko laang sana e sa isang misa sya umeksena sa mismong consecration, kung kelan nagkakatawang-kristo raw ang tinapay, para mas kwela. Yun sana ang da best. 


Gawin nyo ito sa pag-alaala sa... DAMASO! DAMASO!

Ang ginawa niya e binulabog niya ang isang  ‘religious gathering’ sa isang lugar ng pagsamba. I love it, pero kahit na sa katulad kong infidel, alam kong sablay yun. Ngayon, kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi ko, subukan mong maghost ng isang pork chop at barbecue isang moske sa Quiapo. Pag nagawa mo ‘to, sige, panalo ka na. Kasi, pwede naman sanang ipahayag niya ang damdamin nya tungkol sa RH Bill sa ibang lugar, sa ibang pagkakataon, gaya ng isang intelehenteng pagdedebate sa TV  –hindi nga laang kasing-astig. 

Kung habang ako e nanonood ng The Dark Knight Returns sa isang sinehan at merong isang kupal na aktibisitang umeksena’t nagtatatalak ng “Ibagsak ang mapang-aping kontrol ng Hollywood!” habang umaakyat papalabas ng balon si Bruce Wayne, hindi rin ako matutuwa. Yup, dahil si Batman ang aknig diyos.

At sa panig naman ng mga obispong katatapos laang maolats sa kanilang anti-RH Bill stand, pipwede sana nilang kunin yung pagkakataon para iaalay ang kanilang kaliwang pisngi, sa halip na magsampa ng kaso at ipakitang hindi sila mga Damaso, gaya ng paratang sa kanila. Bakit nga naman palalampasin e pagkakataon nang turuan siya ng leksyon at leksyon e "This is what happens when you fuck the bishops in the ass!" Kung meron mang napatunayan ‘tong pagsasampa ng kasong ito, iyon e ang hindi nila kayang palampasin ang isang stunt na nakaka-offend sa kanilang religious feelings. At "Don't ever fuck bishops in the ass".

Oops, I’m sorry, did I offend your religious feelings?
   
Yup, batas pala ito. Hindi ka dapat maka-offend ng religious feelings ayon sa Article 133 of the Revised Penal Code. Ito e ipinapataw sa sinumang mang-ooffend ng mga faithful sa kanilang lugar ng pagsamba o sa kanilang pagdiriwang isang seremonya. Ito ay may karampatang parusa ng pagkakabilanggo mula 2 buwan at 21 araw hanggang 1 taon 1 buwan at 11 araw. 

Hindi ito sa pang-ooffend sa religious feelings in general. Hindi kasama rito 'yung aalukin mo ng dinuguan ang isang myembro ng Iglesia ni Cristo sa isang inuman. O pilitin ang isang Sabadista na dumalo sa isang party sa Sabado na ang handa e sinigang na hipon. O alukin ng 50% off discount sa pigurin ni Mama Mary ang isang Protestanteng bisita mo sa bahay.  

Maaring lumang batas ito at medyo nakakatawang pakinggan, pinoprotektahan nito ang mga 'faithful' sa mga bagay na kagaya nito:

  • Pamumugot ng ulo sa mga pigurin sa simbahang Katoliko
  • Pagkakatay ng biik sa isang moske
  • Pagko-cosplay na merong theme na santo sa lugar ng pagsamba ng mga Protestante
  • Pagbitbit sa isang Manalo sa isang mass indoctrination ni Eli Soriano 

Mas masaya sana sa akin kung walang ganyang batas. Para sa kagaya kong infidel, masayang masaksihan sana ang mga ganyan. Kegaganda ng mga headlines sa araw-araw 'pag nagkataon. Kaso, batas e. At balita ko lalabanan raw ni Carlos Celdran ang pagpapatanggal ng batas na iyan.  

Saglit lang yan, Carlos

At sa uri niyang isang merong celebrity status, hindi yan aabutin ng 1 taon. Si Robin Padilla nga, nakulong sa ilegal possession of firearms, balik showbiz na ngayon at namamayagpag muli ang career ngayon. Saglit laang ‘yung halos 3 months. Para ka laang estudyanteng sa halip na nagbakasyon e nag-summer classes. Tanggapin na niya. Tutal nagawa naman niya ang gusto nya, umani rin naman ng publicity yun, nakapagpasaya ng mga fans, at nanalo rin ang RH Bill nung lumaon, hindi na masama. Aba’y tatlong buwang kapalit para sa isang sandali ng tagumpay na matatandaan sa mahabang panahon? Pandagdag pa sa kanyang street cred 'to. Aba’y ayos na. 

Hmmm... Ilang buwan kaya ang gugulin ko kung ako e mag... Teka, isang buwan laang pala ang school break ko. Hwag na lang. 

4 comments:

  1. If there's a law against "disrupting a ceremony deliberately", so I guess Beltran should go to jail.

    If "offending a religious feeling", it's his right to offend anyone and he should go scot free.

    ReplyDelete
  2. I agree with you. If it's offending someone's religious feeling in general, ayos lang. I used the term and defined it as such. Thanks, for visiting.
    Although we have different views on religion, I agree with your article on why atheists should be thankful to Christians. Everyone should read this: http://www.gwapito.com/why-atheists-should-be-thankful-to-the-christians/ I think it's a topic I missed the opportunity to write about.

    ReplyDelete
  3. If you are looking for the best Bitcoin exchange service, then you should choose CoinMama.

    ReplyDelete
  4. At Moon Bitcoin you can get free satoshis. 290 satoshi every 50 mins.

    ReplyDelete