Wednesday, December 19, 2012

Bakit kinahihiya ko ang gustong mangyari ng isang Dean's Lister na congresswoman

I heard you got yourself banned in the Philippines for mocking their national idol and god-like icon Manny Pacquiao on your tweets...
Isang malaking kahihiyan para sa akin 'pag ang ganyang senaryo e nangyari. Lilinawin kong hindi ako fan ng putangnangto, pero pagdating sa usaping ito, hindi ako makakasang-ayon sa gustong mangyari ng isang Carol Jayne Lopez, konggresista ng party list na YACAP, sa panukala niyang ideklarang persona non grata si Beebs. Kung siya ang masusunod, gusto niyang ipagbawal ang pagtuntong ng mga umiindak na paa ni Beebs sa alinman sa 7107 na isla ng Pinas. 
Sa kanan: "Honorable" Carol Jayne B. Lopez
Ano ba ang persona non grata? Ayon sa wikipedia, Persona non grata (Latin plural: personae non gratae), literally meaning "an unwelcome person", is a legal term used in diplomacy that indicates a proscription against a person entering the country. It is the most serious form of censure which one country can apply to foreign diplomats, who are otherwise protected by diplomatic immunity from arrest and other normal kinds of prosecution.

Ito ang gusto nyang mangyari. Sinu-sino ba ang napersona non grata na? Tingnan nyo sa hindi kumpletong listahang ito na kinuha ko sa wikipedia. Isama ninyo na riyan si Beeber:
  • Syrian Ambassador Lamia Shakkour was declared persona non grata the French government declared on May 29, 2012, in response to the May 25, 2012 Houla massacre in Syrria.
  • Kurt Waldheim former Secretary-General of the United Nations and President of Austria, and his wife were given persona non grata status in the U.S. and other countries when he was accused of having known about Nazi War Crimes and not having done anything about them.
  • Justin Beiber, Canadian pop tweensation, was declared persona non grata by the Philippine government for posting photographs on his twitter deemed hurtful by Filipinos. 
Yup, bagay na isama si Beebs sa mga me kinalaman sa isang massacre at Nazi war crimes ang isang taong nagtweet ng ilang 'nakakapikong' pictures at comments. 

Sinulatan ko si Carol Jayne at pinamuka ko sa kanya ang kanyang gustong mangyari. Sinabihan kong naiiintidihan ko ang pakiramdam niya bilang isang fan at ang pagkapikon nya sa pangyayari, pero para gamitin niya ang kanyang pagiging kongresista para bumawi e isang pambabraso.
Pwede namang ganito ang ganti nya ke Beebs. Itweet nya rin ito.
Excerpt mula sa aking mahaba-habang sulat:

Para magpanukala ka ng ganito, isang bagay laang ang malinaw sa isang taong nag-iisip at hindi nagpapauto: lumilikha ka laang ng ingay para mapansin ka. Hindi ko alam ang agenda mo, pero ang matutukan ng midya minsan e sapat nang agenda sa kultura natin ngayong kinikilala ka laang ng mga botante kapag nakikita ka sa telebisyon o YouTube.

Unang reaksyon e "Putang katanga naman ng taong ito". Pero nung sinuri ko ang profile nya, nalaman kong Dean's Lister ito bilang isang Pol Sci major sa isang pamantasang hindi naman patakbuhin. Hindi tanga ang taong ito. Hindi ito naiboto dahil sya e isang artista at anak ng Senador na artista rin. Hindi mo sya mapapanood sa MMFF. Dean's Lister 'to kaya't alam niya ang ginagawa niya. Produkto ng isang magandang pamantasan. Ang kanyang thesis nyang "Sustainable Urban Development in the Popular Democracy Ideology" e hinirang na da best na thesis sa kanyang batch. Hindi ito nagpagawa laang ng thesis sa Recto. 

Iyon ang peligroso, ang isang matalinong taong magpapanggap na tanga para makauto ng mga lipon ng tanga. At ito, bukod sa kahihiyan ko para sa lahi ko, ang pinagpuputok ng butse ko.    

Winakasan ko ang sulat ko ng ganito: Maraming salamat sa iyong pakikinig. Maari mo akong sagutin at iwasto kung sa tingin mo e mali ang aking sinasabi.
Binigyan ko sya ng dalawang linggo para iwasto niya ako sa aking mga sinasabi't tanong. HIndi pa sya sumasagot hanggang ngayon, 19 December 2012. Meron pa syang hanggang 27 December 2012 pra sumagot. Pag hindi, itinuturing at idinedeklara kong tama ako sa ipiangmumutarga ko.


Note: Kababasa ko lang nito: http://www.theatlanticwire.com/entertainment/2012/12/philippines-wants-ban-justin-bieber/59948/

No comments:

Post a Comment