Thursday, December 6, 2012

Mamatay kayo sa ingget!


Just woke up from an afternoon nap. There’s no other way to perk me up, but with a sachet of 3-in-1 Indocafe Coffee Mix delicately poured in a transparent Boneeto promotional glass of boiling water, painstakingly stirred in a counter-clockwise motion. I take out my handy and trusted red Snowman V-5 0.7 tipped ballpoint pen to write down my workout for the day on a sheet of 70 Gms ISO-certified E Multi-Purpose Paper.

My 3210 Nokia beeps a special tone for me. It’an SMS from a friend. He wants to meet up with me for a game of pickup basketball at their half court sa kanto. I check the Indomaret Convenience Store promotional calendar on my wall to see if I have marked an appointment somewhere. I’m free so I send him a reply on my Unlimited Texts Plan.

I check my mass-produced coffee mix and find that it has gone too cold for my refined taste. Not to worry though! I open my two-door, five-foot Astor Refrigerator and take six ice cubes and pop them into my now cold coffee. I get one Fresh International Drinking Straw and sip the rich taste of my newly-transformed-into-iced-coffee coffee. I finish the glass. I see some residue left on the bottom of the glass. Carefully measured to its coffee mix-water ratio, the residue can still be enjoyed by a connoisseur like me. I add a trickle of hot water into the glass and stir it to perfection. Now it is a teaspoonful treat of Indocafe which is still consistent to its texture, aroma and blend. Indocafe, good to the last drop!

I then dine with a bowl of Indomie Mie Goreng with a dash of chili pepper paste to carbo-load me up for my workout in my backyard. I consume it while watching an Indonesian-dubbed Mexican prime-time drama series on my 15-inch Toshiba black and white TV. After partaking at such a royal dinner, I get up and head to my backyard to do my supercharged workout using my personally-crafted barbell constructed from recycled Boneeto tin cans filled with gravel and Tiga Roda cement. I take a sip of water cooled and stored in a recycled Gatorade bottle to rehydrate me from the sweat I have lost.

Kung sa puntong ito e hindi nyo pa nararamdaman ang nagmumutargang panunuya ng entry kong ito, hayaan nyong ipaliwanag ko ang ibig kong sabihin. Ilan sa mga kaibigan ninyo ang display nang display ng kung ano man ang meron sila sa kanilang Facebook? Gadgets. Brands. Pagkain. Kahit ano. Akala mong mga endorser sila ng produktong kanilang binibili.

Kalimitan naman e mga taong nag-eenjoy ng kanilang mga sarili ang nagpopost ng ganito. Tipong, “Uy, sarap nitong hamburger sa ________! Lintek, maa-unhinge ang panga mo sa kapal nito!” o “Lumabas na sa wakas ang hinihintay kong Illustrated Xerex!” Minsan ginagawa nila ito dahil alam nilang me mga kaibigan silang gusto rin ito, tipong binabahagi nila ang kaligayahan nila. Wala akong problema sa mga taong ito. Yan yung tinatawag e trip. Kahit sino maiintindihan ito. 

Meron rin namang kinaiinisan ng marami, 'yung tipong mararamdaman ninyong ang pakay e magdisplay ng gamit. Ayokong gamitin ang salitang mang-ingget dahil hindi ako tatablan ng ingget sa mga materyal na bagay at ayokong magkamali silang naiingget ako kaya ko sinulat 'to. Sorry, pero hinde. Siguro, maingget sa kahusayan ng iba, oo. Sana kasinglupet ako ni _________ magdrowing! 

Gusto mong malaman kung alin ka sa dalawang ito? Get your very own black Snowman V-5 0.7 tipped ballpoint pen and take this test. Pag kukuhanan mo ng litrato ang gamit mo at ipopost ito sa Facebook e:
  • dahil masaya ka laang at gusto mong makihalo sa kaligayahan mo ang mga kaibigan mong kapwa mahilig dito? (A) Yes (B) No.
  • dahil gusto mo talaga ang bagay na ito at hindi relevant ang presyo nito. Kung sakaling branded ito e alam mong sulit naman at hindi iyong presyo ng produkto ang punto ng post mo. (A) Yes (B) No.  
  • iniisip mo bang, “Kamputa big time ang dating ko rito ‘pag nakita nila ‘to! At mamatay kayong lahat sa ingget”? (A) No (B) Yes.
  • sinisiguro mong walang matatakpang logo ng brand ng mga pinamili mong gamit sa mga shopping bags habang nagpo-pose ka sa harap ng mall na pinamilhan mo nito? (A) No (B) Yes.
  • sinasalansan mo ba ang mga gamit mo na parang Impressionist na still life bago iinstagram ang kukunan mo ng litrato? Yun bang tipong: “my new lip stick”, tapos sa background e yung bag ng camera mo, kahon ng i-phone mo, resibo ng kinainang ninyong restawran, tablet o kung anumang gadget mo, etc. (A) No, aba’y hinde! (B) Kakahiya mang aminin, pero yes.
Kung ang sagot mo sa mga tanong na ito e tumataginting na (B) lahat, ikaw ang sinasabi ko. Oo, ikaw nga. Ikaw. 
Kung wala rito ang paborito mong produkto, pasensya na'y ito laang ang na-google ko
      
You know what? Brands don’t impress people. Or at least yung mga taong may saysay at nilalaman. Ang mga tipo ng nai-impress sa mga ganyang bagay e ang mga hagom o/at mahina ang kukote. Sila yung mga tipong: “P’re nakita mo ba ‘yung i-phone ni ______? Lupet, p’re! Merong ganito-ganyan.”

Kahit ano pang damit o gamit ang ikulapol mo sa katawan mo, hindi nun mababago kung sino ka. Kung isa kang butangera, butangera ka pa rin. Kung isa kang kupal, kupal ka pa rin. Kung banban ka sa tarbaho o pag-aaral, banban ka pa rin sa tarbaho o pag-aaral. Ang pinagkaiba laang e meron kang nabibili o naarbor na gamit/ damit/ pagkain. Kumbaga kung unggoy ka noon, unggoy na nakabihis ka na ngayon. 

Kung nakasalalay ang kaligayahan nyo sa ideyang meron kayo ng isang bagay, pero ang mga kaibigan nyo e wala at ito ang kinasisiya nyo, kailangan nyong ire-evaluate ang buhay nyo. Kung ‘in comparison to’ sa iba ang ideya nyo ng kaligayahan, limitado itong ganitong uri ng kaligayahan dahil siguradong merong mas mayaman sa inyo sa grupo ng mga kaibigan mo.
At least ganyan ang tunog nyo kung hindi man ganyan itsura nyo

Sa totoo laang, pinagtatawanan laang kayo ng iba ninyong kaibigang mas marami o mas mamahalin ang mga gamit sa inyo. Ito ang sinasabi nila nang lihim ‘pag sila-sila na laang ang nag-uusap, “Ano ba naman ‘yung si _________, pinopost pa ‘yung gamit nyang ganun, akala mong ngayon laang nakahawak ng ______.  Tingnan mo, ipinost pang nagcheck in sila sa _________ na akala mong ngayon laang nakatuntong ng isang ___________.” Yan yung mga tipong karaniwan na sa kanila ng mga ganung bagay na hindi na nila pinangangalandakan ang bawat bagay na nabibili nila, lugar na napupuntahan nila, pagkaing nakakain nila.

Gusto mong makita sarili mo? Imagine-in mo ang itsura mo na para kang nanonood ng pelikula kung saan ang bida (ikaw) e nagsasalansan ng mga logo ng bawat binibili mong bagay at makikita mo kung gaanong kalungkot ng buhay mo. "Yan, kita lahat ng logo ng pinamili ko!" Hindi isang malaking product placement ang buhay mo.

Spare yourselves the embarrassment and spare us the misery of having to put up with every post of your every purchase. Tantanan ninyong sarili nyo’t pinagtatawanan laang kayo nang lihim ng nakararami.   

Click nyo laang ang ilang related posts:
The Facebook Ref #2: Sa pagpopost ng bawat maliliit na bagay at 
Pagkakape

2 comments:

  1. Ayos ang pagka-satire ng akdang mong ito. Kada ginagawa ay nagbabanggit ng brand. Baka maging endorser ka na rin nyan, hehehe. Ganito rin ang pananaw ko sa mga taong mahihilig mag-post ng mga bagay na sa tingin nila ay maiinggit ang iba. Dahil sila ay meron habang ang iba naman ay wala. Mga pasosyal 'ika nga, pero sa totoong sosyal karaniwan na lang sa kanilang ang ganyang mga bagay at di na nila kailangan pang ipangalandakan sa social media.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek, sa tunay na sosyal, bale wala na sa kanila kasi karaniwan na. Endorsement? Hindi na masama. Hehe.

      Delete