Marami ngayong makiki-kung hey fat choi dahil Chinese New Year, kahit na sa totoo laang naman e wala silang bahid ng Chinese sa kanilang dugo. Ang ibig kong sabihin ng Chinese, e 'yung meron kayo talagang kalahing sa Tsina ipinanganak o nagmula, meron kayong mga kamag-anak na matatandang marunong mag-Intsik kahit na mismong kayo e hindi marunong mag-ni hao ma man laang at hindi lalampas sa tatlo o apat na letra ang apelyido nyo.
![]() |
Ang maganda laang sa Chinese New Year e ang bakasyon at ang seksing tradisyunal na baro ng mga Intsik. |
Pero dahil Chinese New Year nga naman at naglipana ang mga tikoy, naka-log in kayo sa Facebook, parang pakiramdam nyo e dapat rin kayong makibati sa mga 'kapatid' nating Tsinoy: kung me batchoy, kunsabagay, kung sa pasay, kung paano man iyon. Masarap ipost, 'di ba? Masarap bumati nang walang laman, mala-drive by na pagbating bahala na kung sino ang makikinabang sa iyong iiwanang mga salita sa wall sa Facebook nyo. Hetong mga ilang katagang inyong iiwanan sa inyong wall, cho choi, cho choi: Tsinoy ka man o hinde, matuwa ka na laang.
Hetong isang tip kung gusto nyong bumati: Pag meron kayong nakitang isang Intsik o Tsinoy, batiin nyo ng praktisado nyong Mandarin. Kung online naman kayo, i-pm nyo o sulatan sya sa wall nya. Baket, kapag ba birthday ng isang tao, babatiin nyo ba ang lahat sa wall nyo? Kung wala naman kayong kaibigang may lahing Intsik, magkasya na kayo sa pagkain ng siopao sa Chowking.
![]() |
O kaya e HBD kung gusto nyo ng uso. |
Anong problema ko't pati ang simpleng pagbating ganito e pinapatulan ko? Bumati ba kayo noong Islamic New Year? Paano na ang ating mga 'kapatid' na Muslim? Racist kayo? Babati kayo ng isang grupo, pero hindi ang iba?
Anong petsa na sa kalendaryo nyo? Naging 2016 na ba? Hindi pa, 'di ba? Hindi pa rin natin New Year. New Year nila. 2015 pa rin. At wala na rin naman yatang gumagamit nito sa ngayon, bukod sa mga Intsik.
At ginagamit laang nila ito para malaan kung kelan magandang magpakasal, magpalibing o magbukas ng negosyo. Ang ibig nilang sabihin sa magagandang petsa e swerte. Sa dinami-dami ng mga buwan at numero sa kanilang kalendaryo, merong swerteng petsa depende sa kung kelan kayo ipinanganak. Walang pinagkaiba sa karaniwang horoscope. At kung sa taong ito ng 2015 (o year of the goat kung talagang iginigiit nyo ang Chinese New Year), e kelangan ko pang ipaliwanag ang kabullshitan ng zodiac, e hindi ko na alam. Saan ako magsisimula? Sa ideyang merong 12 Zodiac signs na nagsasabing meron laang tayong 12 na kapalaran? Na iniimpluwensyahan ng mga buntala sa kalangitan ang mga nangyayari sa atin?
![]() |
Al Habal Karampal Iskramadal! |
Bigyan ko ngayon ng kapalaran ang mga Aries: Magiging maluwag ang pinansyal na aspeto ng iyong buhay sa linggong ito. Nguni't dapat mong ingatan ang iyong paggasta. Ang pagbili nang wala sa plano ay maaring maglagay sa iyo sa isang sitwasyon na ikaw ay mapapautang. Bukod rito, ingatan ang iyong kalusugan. Maaring ireklamo ang pananakit ng ulo nang bahagya sa buwang ito.
Hayan, horoscope para sa Aries na hinugot ko laang sa aking wetpaks bago dumiresto sa kubeta. Malaki ang tsansang tatama ang sinasabi ko dahil katatapos laang sumuweldo noong 15. At dahil ang Pinoy e merong one-day millionaire syndrome, malaki ang tsansang mauubos sa walang kapararakan ang sinweldong ito. Sa loob ng isang buwan, merong tsansang sumakit ang ulo ng isang tao. At knug sumablay, sino ang makakaalala sa loob ng isang buwan kung sumakit ang ulo nila o hinde?
Ganyan rin ang Chinese zodiac. Sa halip na mga halimaw, e mga hayop laang ang gmit.
![]() |
Year of the goat? Malas sa negosyo iyan dahil mabaho't me sungay. |
![]() |
Kung paano nauso ang Chinese calendar, feng shui at relihiyon. |
![]() |
1 like = 1 sapok sa muka |
At ang aking Chinese New Year Resolution: Hwag mambati ng Happy Chinese New Year magmula ngayong taong ito.
No comments:
Post a Comment