Friday, March 6, 2015

3 Pwedeng Pumalit ke Jam sa Jamich

Ngayong yumao na si Jam ng sikat na duong Jamich, nararapat laang na pag-isipan ni Mich ang kahihinatnan ng kanyang career. Malaki rin ang pinagdaanan nyang hirap. Hindi biro ang mag-alaga ng nakaratay sa banig ng karamdamang gaya ni Jam, lalo na’t tutok na tutok ang madla. Mahirap manlalake. Mahirap rin namang mang-iwan ng shota/ asawang me kanser. Nakakahiya.

Tamang abang ang mga kaibigan nito ngayon.
Aba’y bata pa itong si Mich. Maiintindihan ko, at dapat ng mga fans ng dalawa, na darating ang panahong kelangan niyang mag-move on. Meron akong kaibigang maagang nabyuda. Maganda pa naman. Sabi niya sa eulogy ng asawa nya e mananatili raw syang si “Mrs ________.” Sinalubong ito ng "Aw..." ng mga tao.

Payo ng ama ko sa kanya, hwag syang papatali sa binitwan nyang mga salita. Hindi nakakahiyang lunukin nya ang sinabi nyang iyon dahil malilimutan rin naman ng balana kapag lumipas. Hayun, nagpakasal rin naman sya nang lumaon.

Di ba't si Angel Locsin at namatayan rin ng shota. Meron pa ba sa inyong nakakatanda ng pangalan nung ex nya? Hindi naman ibig sabihin ng mag-move on e ibinabasura na nya ang pinagsamahan nila ni Jam. Mabubuhay pa rin ito sa kanyang ala-ala, lalo’t bawat segundo nun e nasa YouTube. 

Ang dapat laang ingatan ni Mich e 'yung magka-Raymart sya, gaya noong nangyari ke Claudine Barretto noong nawala si Rico Yan.

Hindi ko naman sinabing ngayon na mismo sya maghanap ng kapalit. Kamamatay laang sa kanser ni Jam, aba’y panget naman ang timing ng ora-orada e magpapalit sya na parang damit laang. Mga pagkalibing. O kaya e at least e maka-40 days man laang.

Ang tanong: Sino ang dapat pumalit na ka-tag team ni Mich?

Bagama't kaibigan nila ang Kathniel, hindi uubra kung si Daniel Padilla ang papalit dahil sobrang loyal ng mga fans ng mga ito at magkakabasagan ng muka ang mga fans pag nagkataon. Heto ang tatlo kong mungkahi para madugtungan ang bata pa't kasisibol pa laang na career ni Mich. 

1. Lance Raymundo

Maaalalang si Lance Raymundo e naaksidente’t nadaganan ng barbell ang pagmumuka. Sa kanyang pagkakaospital, sya e nakakita ng isang vision – ang imahe ni Hesus! Ngayon e magaling na sya sa pagkawasak ng kanyang muka at nagbalik na sya sa limelight. Ngayon e gaganap syang Hesus sa isang senakulong pakulo ni Lou Veloso.

Bakit papatok ito?

Sa totoo laang, medyo pilit ang pagsasama nito dahil parang wala silang gaanong kuneksyon. Pero, swak ito sa puso ng mga taong mahilig sa mga celeb na mahilig magpopost tungkol ke Hesus. Hindi kayo mauubusan ng ganyang pautot sa isang lalaking nagsasabing nakita niya sa si Hesus sa lukot ng kumot. Mabilis itong dumampot ng ideya sa basura at nagagawa niyang ginto, gaya ng aksidente nya. Nagawa nyang positibo ang isang dapat sana e balita ng katangahan.

Kaso, bukod run e hindi walang gaanong maiaambag si Lance Raymundo. Hindi rin sya gaanong sikat kaya’t baka sa halip na si Mich ang hatakin pataas e si Lance pa ang maging bitbitin niya.

Yun nga laang, macho ito. Baka namimiss na rin ni Mich na yumakap ng merong laman ang katawan, kaya’t malay nyo? Pwede ring bumenta kahit papano ang LaMich.


Hindi ko alam kung ito e bago o matapos maoperahan ni Lance. Ang mahalaga e pogi.


2. Marcelo Santos III

Hindi ko gaanong kilala itong si Marcelo Santos III, bukod sa mga posts na malimit i-like at i-share ng grupo ng mga taong mahilig ring mag-share ng mga Amens at likes ng Jamich. Tinatanong ko pa nga noon kung sino itong Marcelo Santos III na ito at bakit lagi kong nakikita ang pangalan sa mga ‘patok’ na posts na ito. Balita ko e isa itong manunulat ng mga love novels na pamforever. Si Marcelo Santos III ang bagong Justin Beiber. Kung merong gustong magpatawa, pangalan niya laang ang gagamitin para sa cheap laughs.

Aba'y mahirap rin ang ginagawa ng taong ito, sa totoo laang. Makikita sa larawan sa ibaba ang pagsubok kong gumawa ng quote tungkol sa pagkakaibigan. Tatlong oras akong nakatanghod sa monitor at ito ang burubos na lumabas:


Kayo kaya ang mag-imbento ng sarili ninyong Marcelo Santos III quote,
mahihirapan rin kayo.
Bakit papatok ito?



Hindi ko alam dati ang itsura nitong Marcelo Santos III na ito, sa totoo laang. Pero, hindi pala sya cartoon laang. Nakahagilap rin ako ng larawan niya at makikita nyong ginamit ko ito sa ibaba. 

Hindi nagkakalayo ng itsura iyung sina Marcelo Santos III at Jam, kahit na noong panahong naospital na si Jam at nangangalap ng Amens at likes ang kanyang mga lupon sa FB. Iyon ang mahirap sa LaMich, nasanay ang mga taong pang-karaniwang muka laang ang katambal ni Mich. Si Lance e pumogi-pogi (na siguro) dahil sa reconstructive surgery matapos ang aksidente. Sa aspetong ito, sa halip na patalo, bentahe pa ang mukang basta mo laang makikita sa kanto.

Malaking potensyal ang nakikita ko rito: Pareho sila ng fan base kaya’t magiging madaling lunukin ang pagpapalit na ito. Hindi gaya ng ke Lance na ishu-shoehorn mo pa, swak na swak ang tambalang ito. 


Ang core fan base ng Jamich at Marcelo Santos III.
Handa na ba kayong pasabugin ang Facebook newsfeed nyo sa Michelo?


Parang si Jam laang rin naman ang itsura.

3. Jolo Revilla

Bise-gobernador ng Cavite, mula sa angkan ng shobiz-pulitikang Revilla, malaki ang hatak ni Jolo Revilla sa masa. Bukod run e hawak rin nito ang GMA 7 at madali nilang mapapasikat o mato-Toby Bailey si Mich kapag ganito. Noong umalis si Angel Locsin at nawalan ng pambatong star ang GMA 7, napilit nilang pasikatin ang isang Marianne Rivera. Gaano na laang kadaling gawin nito sa isang nasa antas na ngayon ni Mich na kilala ng lahat?

Bakit papatok ito?

Nasa ospital rin ngayon si Jolo Revilla dahil sa aksidenteng pagkakabaril nito sa sarili habang naglilinis ng kargadong baril. Malalagay si Mich uli sa isang sitwasyong sya e sanay na sanay na - ang magselfie, magpalitrato sa kama kasama ang katambal niya, mangalap ng simpatya, Amens at likes sa Facebook at favourites at retweets sa Twitter. Hindi na mapapansin ng mga utaw na napalitan na pala si Jam dahil isang letra laang ang papalitan at JoMich na. 

Aba'y balik na sa paglala-like at Amen ang mga taga-FB!


12 comments:

  1. Sa totoo nga lang, okay yung pangalawa. Dahil pareho nga sila ng minamakrket sa social media. Yun nga lang, kung ganung mga kalseng tao lang naman ang pasisikatin ng mainstream media, tangina, mas mabuti pang maging hipster, at magdeactivate ng Facebook account.

    ReplyDelete
  2. hahahahaha! natawa ko ng madame sa JOMICH! mga lima! para sa akin ung pangalawa din, mukhang magiging ok cla..maganda din ang branding MICHELO...pero nakakatawa talaga si JOMICH!

    ReplyDelete
  3. I don't know. Not a fan of the duo nor these options.

    ReplyDelete
  4. Love that JoMich! Haha. Tamand tama pareho silang may kakayahang umagaw ng eksena :)

    ReplyDelete
  5. I don't know what to say, but love isn't about appearance.

    ReplyDelete
  6. Nakakatawa tong post na to. hahaha "ung katangahan e nagawang positibo" :))

    ReplyDelete
  7. Habang naghahanap pa e yung nanay daw muna ni Jam - Momich!

    ReplyDelete
  8. Tsaka tanginang Marcelo yan. Kasalanan lahat ng to ni Marcelo e.

    ReplyDelete
  9. Tsaka tanginang Marcelo yan. Kasalanan lahat ng to ni Marcelo e.

    ReplyDelete
  10. Not a fan pero natawa ako sa JoMich

    ReplyDelete
  11. Claim faucet bitcoins at Moon Bitcoin. 163 satoshi every 1 hour.

    ReplyDelete
  12. Earn free satoshis at Easy Bitcoin Faucet. Up to 33 satoshis every 10 minutes.

    ReplyDelete