Saturday, February 14, 2015

Obscure Bible Verses #18: Ang halaga ng bubae, ayon sa Deuteronomy 22:28-29 atbp berso

Ang isa sa 7 kapatul-patol na posts e tungkol pagdadala ng mga bubae ke Kristo, sa halip na sa kanilang mga kwarto. Siguro kung ako e binata pa e hindi ko rin dadalhin ang isang bubae sa aking kwarto't napakagulo nun. Sa Sogo, maari pa. Ke Kristo? Be hinde. Ano ako, hibang, walanghiya o mysognist?   

Ang paboritong yakap ng mga Kristyano: modified side head lock.
Akala siguro ng me pakulo nitong pautot na ito e kahanga-hanga ang kanyang pinagsasabi. Alam nyo ba kung ano ang ibig sabihin ng pagdadala ng isang bubae ke Kristo o ang gawin syang Kristyano? Ang ibig sabihin nito e maging tagasunod sya ng salita ng Dios. Ano pa't tatawagin mo ang sarili mong Kristyano kung hindi mo naman susundin ang salita ng Dios, ang Bibliya? Para saan pa ang pagpopost nyo ng mga quotes tungkol sa Bibliya kung ito e nanggagaling laang sa mga FB page nang walang pag-uusisa man laang sa mga nakasulat mismo sa balon ng mga bersong ito - ang Bibliya? Meron ring FB page ang JMD!, pero hindi iyon ang punto.

Tuwang-tuwa naman ang maraming bubae kapag nalalaan nilang ang isang lalaki e maka-Dios o Kristyano. Akala nila e kebabait ng mga ito at ituturing silang mga santang nasa pedestal. Mas mamatamisin nyo pang mag-facial ke Peter North kesa magpatali sa isang Kristyano kapag nabasa nyo ang pinagpuputak ng Bibliya. Alam nyo ba ang tingin sa inyong mga bubae? 

Simulan natin sa mga nagagahasang birhen. Hindi sa gusto kong gawing katatawanan ang mga biktima ng ganitong klase ng karahasan, pero kelangan ko laang ihalimbawa ito. Birhen. Tinitingala ng mga Kristyano at dito hinuhulma ke Birheng Maria ang bawat Maria Clara. Bagkus, mataas ang halaga nito sa mata ng isang Kristyano, 'di ba? Sablay.

Ano ang halaga ng isang birhen?

Sabihin na nating isa kang birheng bubae. Isang gabi e natagpuan mo ang sarili mong inilulugso ng isang Pen Medina ang iyong puri. Me nakahuli sa inyo sa akto dahil sa tabi ng isang basurahan ka dinale. 

Anong kahihitnan mo? Pasensya ka't wala kang masasabi sa usaping ito. Tumabi ka muna habang nag-uusap ang dalawang lalaki: yung reypist mo at ang tatay mo. Kelan ang kasal nyo at kung magkano ang ibabayad niya sa iyo. Walang pinagkaiba sa kotse kapag nagkabanggaan. Ikaw ang kotse, wala kang sasabihin, habang nagkakasundo sila sa danyos.
Ang nakakaloko nito e ang Bibliyang susumpaan ng reypist mo sa korte
e isang librong inspirasyon para sa mga desperadong magkaasawa para mangreyp.

Alam nyo ba kung magkakano ang 50 shekels? Ayon sa Coat of Many Colors, ang isang bubaeng birhen e nagkakahalaga ng 50 shekels. Pag-aralan sa indeks sa ibaba kung magkakano ito kumpara sa ibang bagay noong panahong iyon.



Lamang nang konti sa isang alipin, kapareho ng halaga ng isang bahagi ng lupain at wala pa sa kalahati ng halaga ng isang kabayong Ehipto. At tingni itong presyo sa USD sa ibaba.



Ito e nasa mga bandang 600 USD. At ayon sa Coat of many Colors, naka-adjust na ito sa USD sa panahong sinulat ang article na iyon. 


Kung nagbabasa laang ng Bibliya si Billy Joe, alam na niyang $600 laang ang katapat nito.

Iyan e presyo pa ng birhen, gaya ng nanay ni Hesus. Paano na 'yung hinde? Yung mga Magdalena at mga bubaeng nasa gitna ni Magdalena at Inang Maria?

Pakakasalan ka naman, okay na rin iyon, 'di ba?

Sabihin na nating ikinasal ka na sa iyong romantikong Dick Israel. Ewan ko kung bentahe ito sa iyo, pero hindi ka nya pwedeng idiborsyo. Ano na ang kahihinatnan mo bilang isang misis? Aba'y maging aliping robot.


Stoning ang katapat ng bubaeng ito.
Gusto kong lunukin nyo muna ang ibig sabihin ng 'in everything'. Isipin nyo ang mga huling pinagtalunan nyo ng mister nyo. Anuman ang pinagtalunan nyo, sya ang panalo at sya ang dapat na masunod. Uuwi sya kung anong oras nya gusto, mag-iinom sya ng ilang case na kanyang gusto, isusuot nya sa isang kasal ang kahit anong gusto nyang damit kahit na ang ibig sabihin noon e akala mong sa sabungan laang pupunta.   

Anuman ang hilingin nya e ibibigay nyo: magdala ng tsinelas na panloob at magmasahe sa ulo't batok sa tuwing uuwi sya galing tarbaho, minu-minuto siyang pupuriin, BLTB sandwich at BJ habang nanonood ng NBA (o NFL kung Kano) at konting oros tuwing weekend kung ito e isa sa mga trip nya. Dahil wives should submit to their husbands in everything.

Uulitin ko: Wives, submit yourselves to your own husbands as you do to the Lord. Aha! kaya pala pinapauso ng Kristyanong nagpost ng pic na iyun ang pakulo niyang iyon. Dahil kapag nauto ka nang sumunod ke Hesus, sunud-sunuran ka na rin sa kanya dahil ang hindi pagsunod ke mister e hindi pagsunod ke Hesus. Palakpakan. Kahusay rin e.

Pwede nyo pa naman syang pagbaguhin, 'di ba?

Teka, me reklamo kayo sa mister nyo? Gusto nyo ba syang itama't ituwid? Anong sinasabi ng Bibliya rito? Malamang sasabihin sa akin ng mga cherry pickers ng Bibliya na ang Deuteronomy at Old Testament naman ang pinagkukunan ko ng verse. Para sa mga Kristyano, kapag hindi akma sa kanila ang isang berso at galing itong Old Testament, ibabasura na nila, gaya ng mga utos nito sa hindi paghipo sa karne ng baboy at pagsusuot ng polyester. Hetong bersong galing sa New Testament o Bagong Tipan. 


Bakit nga ba meron kaming mga gurong bubae sa eskwelahan namin e
bawal palang magturo ang mga bubae?
 
   
Kitam? Hindi kayo pwedeng manguna sa mister nyo.

Kung isa kang Kristyanong bubaeng kumokontra sa sinasabi ko, mali ka pa rin dahil sabi sa bersong ito e hindi ka pinapayagang magturo o magmagaling sa aking isang lalaki. Wala kang alam kundi ang magpauto sa nagsasalitang ahas kaya't shut the fuck up. Kasalanan nyo kung bakit tayo napalayas sa Hardin ng Eden. Teka, hindi ko salita ito. Bukod sa 'fuck', lahat e galing mismo sa Bibliya. Kung naaasar ka sa 'fuck' at hindi sa mismong nilalaman nito, e me problema kang malaki.

Swerte ninyo at inimbento ng lalaki ang anesthesia. Sinagip namin kayo sa sumpa ng Dios.

Hindi ka ba naniniwala sa mga pinagsasabi ko rito? Sa tingin mo ba e iniimbento ko laang ang mga bersong ito? O kaya e binibigyan ko ng sariling kulay ang salita ng Dios? Kung gusto nyo e magtanong kayo sa inyong pastor para maliwanagan kayo. 

Ooops! Hindi rin pala pwede. Dahil dapat e parating nakatikom ang mga bunganga nyo sa loob ng simbahan. Pag-uwi ninyo, 'pag nasa bahay na kayo't walang makakarinig ng nakakahiyang pagsasaboses ng mga tanong ng inyong mga mahihinang kukote, saka kayo magtanong sa inyong matatalinong asawa dahil lalaki sila at alam nila kung paano ipapaliwanag sa kukote nyo ang mahihirap aruking nilalaman ng Bibliya. Ulit, hindi sa akin nanggaling ito, kundi sa Bibliya.


Yup, mas okay nga siguro ang ituring na aliping robot na inflatable fucking doll na mas mababa pa ang presyo kesa kabayong galing Ehipto kesa maikama nang paminsan-minsan ng isang nanonood ng porno. Ayaw nyo naman rin ng sex, 'di ba? 


10 comments:

  1. Hindi ako nagbabasa ng biblia, pero grabe naman ang mga passages na yan. Boo!

    ReplyDelete
  2. Uto-uto kasi si Adan e, naniwala agad kay Eba. Ayan naging makasalanan din. :)) Walang sariling pg-iisip kumbaga :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natawa ako sa comment mo Yvonne. Hahaha. I think we cant judge the, whichever version that is... the imporant thing is the RELATIONSHIP with Him :)

      Delete
  3. not all verses are literal. Old Testament is different from the New.. there were revised and new teachings in the New but we respect both :)

    ReplyDelete
  4. Sa totoo lang, maaring taliwas ang pananampalataya ko sa nabasa ko. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay gagaya na lamang ako sa mga taong tahasang bibira ng kanilang pagkakontra. Well, at least sa pagbasa ko sa post na ito, nalaman ko rin ang katwiran at katotohanan (na maituturing) ukol sa mga paksang gaya ng relihyon, at ultimo ang pag-aasawa.

    ReplyDelete
  5. I think, I'll gonna make a blog as my comment to this article.hehe madami din kasi akong gustong sabihin :-) I'll post it here in the comment section pag nagawa ko na.hehe :-)

    ReplyDelete
  6. We have to take everything with a grain of salt and look at the contexts. Maybe it's difficult for an outsider to understand, so no hate. Try understanding. If we find that all this is bullshit, then let's take no part in it and say it's not for us. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ^ Ang formula sa cherry picking explained.

      Delete
  7. Sa usaping relihiyon, ayaw ko masyado magbigay ng komento dahil hindi ako eksperto sa larangan na ito. Sa aking pagkakaintindi, upang maintindahan bawat linya sa librong ito, dapat basahin mula umpisa hanggang sa dulo. :)

    ReplyDelete