Ayokong magtunog inggrato sa mga taong nagreregalo sa akin,
pero gusto ko laang ipaalam sa mga nagbabalak na magbigay sa akin uli, na hindi
ako impressed sa Parker pens. At ano ba mapapala mo sa isang Parker? May
napapansin ba kayong pagkakaiba sa tinta nito at ng isang karaniwang ballpen? Pag ba ikinahig mo ang Parker mo at isang karaniwang ballpen, mape-Pepsi Challenge mo ba ang pinagkaiba? Kung meron man, kailangan mo ng isang chemist na magpapaliwanag sa iyo ng pinagkaiba ng chemical structure ng dalawang tinta. Tapos, patalo pa ang texture ng bakal nito dahil ito e madulas at mahirap hawakan.
Maraming produktong pag yung mas mahal ang binili mo e
pihadong mas maganda, gaya ng camera, damit, sapatos, pagkain o cell phone.
Karaniwan mas maganda, pero hindi sa isang ball pen. Kungsabagay meron nga palang Crocs na crock full of shit na mahal na e panget pa. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sumikat noon itong footwear na hindi mo malaman kung maigsing bota, tsinelas na pambanyo o rejected na costume idea sa isang straight-to-DVD sci-fi B-movie.
Ang Beats naman bagama't mahal e makikita mong mas angat ang quality nito sa isang karaniwang headphones, kahit na nung tinesting ko e disappointment laang ang naramdaman ko. All hype laang. Akala ko kasi ang tunog e akala mong bababa mula sa langit ang mga anghel para bigyan ka ng isang malupet ng lap dance at BJ, e hindi rin pala.
Ang Beats naman bagama't mahal e makikita mong mas angat ang quality nito sa isang karaniwang headphones, kahit na nung tinesting ko e disappointment laang ang naramdaman ko. All hype laang. Akala ko kasi ang tunog e akala mong bababa mula sa langit ang mga anghel para bigyan ka ng isang malupet ng lap dance at BJ, e hindi rin pala.
Ano bang teknolohiya ang gamit ng Parker at kailangang mas
mahal ito nang ganito? Bakit ba merong ganitong produkto? Para saan?
Hulaan ko: Para iyong mga mayaman e magfeeling mayaman pag meron sila nito. Gusto nilang maramdamang meron silang mas mamahalin pang ballpen kumpara sa Kilometrico at Bic.
Sa susunod na me magreregalo sa akin ng Parker, pag-isipan muna ang halaga nito. Malamang makakabili ka ng ilang kahon ng karaniwang
ballpen sa halagang gagastahin mo sa Parker. Kung tama itong nasa price list ng nasa internet na ang Parker Pen na iniregalo sa akin e 36 USD, nagkakahalaga pala ito ng mga P 1500 o Rp 355000, sapat para ibili ako ng mga 300 na karaniwang ballpen.
Kung ganitong karami ang ibibili mo para sa akin, mas makatutulong ka. Madalas akong mawalan ng
ballpen at walang dudang mawawala rin sa akin itong Parker na ito, gaya ng ibang Parker na
natanggap ko na sa iba't ibang okasyong pinagdaanan ko. Pero kung mga tatlong daang ballpen ibibigay mo sa akin, pwede
ko itong ipaglalagay sa bawat sulok at kanto ng bahay, opisina, sa loob ng bag at bulsa. Sa tuwing kelangan ko ng ballpen, hindi na ako maghahanap o manghiram dahil kahit saan
ko iunat ang mga braso ko meron akong makakapang ballpen: sa ilalim at ibabaw ng
silya, sa ilalim at ibabaw ng mesa, sa lagayan ng sapatos, sa magkabilang
tenga, sa lababo, atbp. Yun ang mas impressive, hindi ang presyo at tatak.
No comments:
Post a Comment