Ang dokumentong pinag-aksayahan pa nila ng panahong ipadala sa akin |
Pero nagbago ang isip ko. Sa halalang
ito, ibinebenta ko ang aking balota. Tumpak, pinagbibili ko ang aking boto. Inuulit
ko, for sale po ang boto ko. Tutal, hindi rin naman talaga ako boboto,
pakinabangan ko na laang. Pero hayaan nyong linawin ko kung ano ibig sabihin ko
ng ‘for sale’ ang boto ko. Ayoko ng perang manggagaling mula sa bulsa ng isang
pulitiko dahil babawiin nya ito sa oras na sya e umupo.
Kung gayon, kanino ko ito
ibinebenta?
Sa mga fan ng isang partikular na pulitiko. Sinuman sa inyong hindi
officially connected sa isang pulitiko at hindi paid henchman ng isang partido e
maaaring ‘bilhin’ ang boto ko. Kung ganoong kalaki ang paniniwala o simpatya nyo
sa inyong kandidato, maliit na bagay laang ang kapalit ng isa ring botong
pwedeng bilangin para magwagi ang manok ninyo. Pwede kong ibenta sa inyo ang aking boto kung
talagang sampalataya kayo sa kandidato nyo, pero ayoko ng cash. Sa halip na atik e 10 gigs ng videos nina Heather Vahn, Veronica Rodriguez at Kleio Velentien ang
hinihiling ko. Pwede nyong ipadala sa akin ang USB na merong 16 G capacity.
Bakit ko ipinagpapalit sa porn
ang aking boto?
1. Ang bilang ng boto ko e isa (1)
laang. Ang bilang ng boto ng mga tambay na lasenggo sa kanto, mga ngumunguya nang nakabuka ang bunganga, mga taong nagsasabing ayaw nila o mahina sila sa Math, mga mamimiling itinuturing na tunay na sapatos ang Crocs, mga nanonood at natutuwa
sa mga noon-time shows ni Willie Revillame e tig-iisa rin laang. Hindi ko ipagkakatiwala sa karamihan ang pagpili - gaya ng botohan - ng kung anong pelikula ang panonoorin ko, ang mga
pulitiko pa kayang mamamahala sa gobyerno ko? Majority (o plurality) wins ang
esensya ng demokrasya, ‘di ba?
Demokrasyahin mo muka mo. Ang mga mal-informed, misinformed, clueless, ulaga at utu-uto e
kapareho laang ng timbang ng boto ang boto ko. Ikaw, payag ka ba sa ideyang kapareho laang ng mga banong ito ang boto mo? Hindi ako rocket scientist o isang
political analyst, pero masasabi kong mas matino ang mapipili ko kumpara sa
isang bungal na umaaligid sa mga nangangampanya para sa isang libreng cheese
pimiento sandwich at namimitig na ang binti sa ulanan sa kahihintay sa bisitang artista ng mga pulitiko.
At ito ang pinagpuputok ng butse
ng ko. Santambak ang mga hunghang sa Pilipinas. Lumingon ka sa kaliwa’t kanan mo
at makikita mong mas marami sa kanila ang hindi mo man laang tatanungin kung anong oras na't baka mali pa ang relo o hindi marunong magbasa ng hindi digital na relo. Mas lalaki pa ang bilang ng mga ulaga’t
bano sa sandaling tumapak ka sa labas ng opisina mo’t naglakad sa kalsada. Ilan
sa mga makikita mong estranghero ang nakikitaan mo ng muka ng isang taong
sa tingin mo e makakapili ng matinong pinuno ng bansa?
Kapareho laang nila ang timbang ng isang boto mo. |
2. Isang malaking komedya laang
naman ang eleksyon. Sa mga pulitikong iyan, ilan ang masasabi mong alam mong
matino, merong utak at puso para sa pagsisilbi? Puno ang upuan ng trapo. Ilang kanta, tula, at pader na ang pinuno ng hinaing ng mga tao sa pagkayamot sa mga pulitikong ito. Sila-sila rin. Iyon pa ring mga pangalang iyon. Ang angkan ng mayor ng mga lolo mo ang siya pa ring magiging mayor ng magiging apo mo. At hindi mapipigilan ng iisang boto mo at ng iilang boto ng mga katulad mo ang makinarya at impluwensya ng isang brand name dahil mas marami ang mga tungaw sa bansang ito.
Sino sa mga kilala ninyong senador o konggresista ang sa tingin ninyo e umaakto nang ayon sa dikta ng kanyang konsensya o kaalaman, sa halip na sundin ang kagustuhan ng karamihan, kagustuhan ng media, kagustuhan ng Simbahan? Sa oras na me makita, iboto mo na agad.
Tapos, meron pang mga pulitikong gaya nitong isang Carol Jayne Lopez na naging kongresista through the backdoor (yup, sa pamamagitan party
list) na puro pag-aaksya ng oras laang ang pinagkakaabalahan, gaya ng pagpapa-ban sa isang 19 year old celeb na nagpost ng mga ‘nakakainsultong’
larawan ng nakalugmok na Manny Pacquiao sa ring. Dean’s lister na ito ha. Mula sa isang
matino’t merong kasaysayang unibersidad. Pano na yung mga hindi pa qualified? Mga ganitong uri ng mga pulitiko ang ibinubunga ng ating boto.
Tapos, sinu-sino ba ang mga
kandidato natin ngayon sa Senado?
- Isang pinuno ng konggregasyon ng isang reliyong naniniwalang ikagugunaw ng Pilipinas ang pagpapalegal ng same-sex marriage sa Pinas. Isang taong naniniwalang maso-Sodom at Gomorrah ang Pinas 'pag hinayaan nating makasal ang dalawang taong magkapareho ng kasarian.
- Anak ng isang Alamat ng Pinilakang Tabing na paulit-ulit na binabanggit na tatay niya ang yumaong ama
- Isang dating sundalong hindi makapagdeliver ng matinong speech nang live nung kinubkob nya ang isang hotel at ngayon e nakapiit (pa rin ba?)
- Mga balimbing, gaya nung isang may paid hack na nagfeature sa love life niya nung Pebrero
- Isang hindi ko kilalang kandidato, pero hindi ko mapagkatiwalaan dahil kaapelyido ng mob boss sa Batman
- Mga anak ng mga pulitiko na ang tanging kwalipikasyon e pagtataglay ng apelyido ng kanilang mga magulang at ilang mga hindi mo kilala
"Sabi ng Good Book, huwag gayahin 'yung nangyari sa Sodom and Gomorrah dahil darating ang paggunaw sa isang bansa 'pag 'yun ay ginawa" |
3. Mas malaking komedya ang Party
List kumpara sa kandidato. Ayon sa wikipedia:
Under-represented sectoral groups such as labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector, are encouraged to participate in the party-list election.
Sabi e under-represented raw na grupo.
Pero mapapansin ninyong puro labor unions ang namumutawi sa mga ito, gaya ng
mga jeepney drivers at operators na ang pangunahing kagustuhan sa buhay e
magkaron ng kontrol sa pagpapataas ng pasahe at kung anu-anong grupong binuo laang para makaupo nang palihim ang mga merong pangarap na maging konggresista, pero hindi kakayanin ng sariling brand name ng kanyang apelyido. Ilan sa mga ito ang tunay na under-represented o mula sa indigenous cultural communities?
At ang mga putang inang pangala’t
acronyms:
- A Teacher (Advocacy for Teacher Empowerment Through Action, Cooperation, and Harmony Towards Educational Reforms) -Pinilit talagang isingit ang ‘harmony’ para mabuo ang acronym ng Inggles ng guro.
- AMA (Aagapay sa Matatanda) -Paano na ang ina? Ang ama laang ang responsable sa pag-agapay ng matatanda?
- Aasenso (Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrero Inc) -Ano bang trabaho ng obrero? Mukang aasenso tayo talaga sa tarbahong ito.
- Ading (Advance Community Development in New Generation) -Uunahan ko sila sa pangalang Better Advance Community Development in New Generation dahil mas may recall ang Bading kesa Ading at para makalinlang ako ng ilang boto mula sa lesbians and gays community.
- BH (Bagong Henerasyon) -Tang ina nyo, BH. Sa inyo na ang bagong henerasyon nyo ng katangahan sa musika, TV, fashion, etc.
- Ama (Ang Mata'y Alagaan) Hindi nga? Party list ‘to? Samahan ng mga optalmologist o mga malalabo ang mata? Ano ang una nilang panukala, pauupuin ang mga me malalabong sa harap ng sinehan?
- Ako (Ako Ayoko sa Bawal na Droga) -Ano ba 'yun, tinamad nang gumawa ng acronym. At kailangan pa nati ng grupong aayaw sa bawal na droga dahil walang ginagawa ang gobyerno para puksain ito?
- Adam (Adhikain ng mga Dakilang Anak Maharlika) -Grupo ng mga prinsipe? Anak ng mga datu o raha? Grupo ng mga chauvinists? Wala rin akong ideya kung ano ito.
Hindi nga, mga under-represented ang mga ito? Mga taong ayaw sa bawal na gamot? At ang bagong henerasyon? Anong hinaing ng mga hayup na ito? Darating ang oras nyo, BH, hintay laang. At mga malalabo ang mga mata?
Note to self: Sa susunod na
halalan e magpaprehistro ako ng ilang party lists. Mamatay na ang umagaw sa akin ng mga pangalang ito:
- Parausa’t Upahang Tsiks Association (PUTA)
- Ugnayan ng mga Trabahador at Empleyadong Nagkakaisa (UTEN)
- Kabataang Umaaksyon sa Paglinang ng Adhikain ng Lipunan (KUPAL)
- Inuutusan, Naglilingkod na mga Dakilang Atsay at Yaya (INDAY)
- Karapatan sa mga Silyang Pangkaliwete (KSP) -Dahil naniniwala akong dapat merong mga armchairs sa classrooms na kaliwang kamay ang gamit kapag nagsusulat. Hindi ba’t marginalised at under-represented ang mga ito dahil puro pangkanan laang ang mga armchairs sa mga classrooms? At oo, kulang sila sa pansin (KSP) sa sense na nalilimutan sila lagi ng mga school admin.
Kalokohan ang
ideya ng eleksyon, kalokohan ang mga kandidato at isang mas malaking kalokohan
ang party list system. Dahil sa isang malinaw na pag-aaksaya laang ito ng aking
oras (at sa eleksyon sa taong ito e pati selyo) e ipagpapalit ko sa murang
halaga ng oras ng pagdadownload ng mga paborito kong artista at USB ang aking
boto. Kung walang bibili, isusulat ko na laang uli ang mga pangalan ng mga lagi
kong ibinoboto: Teddy Boy Tapik, Digo (kung buhay pa ‘yung lasenggong
iyon) at Nardong Bayawak.
No comments:
Post a Comment