Thursday, December 3, 2015

Fliptop: Pope Francis vs Digong Duterte

Yo, yo, yo, anong inginangawa mo, Duterteng pulpol?
Dahil laang sa traffic ng bansa mong buhul-buhol
Mumurahin mo kong parang isang asong ulol
Tapos deny to death ka at ngayon e hahagulhol!

"No, no, no, hindi si Papa ang aking minumura
Kundi ang gobyernong bulok ang sistema."
Palusot na ganyan e matagal nang kumita
Nung minura mong ina mo't ibinintang sa iba. 

Magmumura ka, pero wala ka palang bayag
Dapat walang atrasan na ang buntot e nakabahag
Kapag nagmura ka, lantaran mo itong ihayag
Pangatawanan mo nang muka'y 'di nakakahabag. 

Mura mong binitawan, hwag mo nang bawii
Kung ayaw mong uminom ng isang baso ng ihi
Nakakatawa kang magmura't ako e napapa-hi-hi-hi
Dahil kakambal pala ng dila mo e umuurong na lasti.

Ngayon naman e ang mga Heswita ang iyong idinadawit,
Noong high school ka nga ba e napaglaruan ang iyong lawit? 
Mahirap paniwalaan yata ito kaya't tanong ko e BAKIT
Wala bang pogi sa batch mo at puro kaparehas mong pangit?

Kung magparatang ka, walang habas, walang detalye,
Walang laman kundi hangin nakakabundat, nakakabutete.
Ganito bang pinuno ang aasahan namin sa iyo, Duterte,
Kapag hindi gusto ang kinalabasan, "Ibalik ang Swerte"?

Bakit hindi ka na laang humingi sa akin ng tawad?
Nang sa gayon pagtakbo mo'y 'di mauwi sa kasawiang-palad
Hindi ka na luluhod, pero kung gusto mo, pwede kang tumuwad
Parang mga bubaeng kinakana mong meroong bayad.



1 comment: