Wednesday, August 8, 2012

Para sa mga Anti-RH Bill na naninisi sa mga pro dahil sa baha (dahil hindi ko na kayo iiisip pa ng magandang pamagat)

Kuntento na akong mangutya noon sa Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng pagpopost ng videong 'Every Sperm is Sacred' ng Monty Python sa pelikula nilang 'The Meaning of Life' sa aking Facebook wall.  Mapapanood nyo ito ang clip na ito dito.  

Pero dahil nairita ako sa isang nabasa ako kung saan sinasabi ng mga anti-RH Bill na ang mga pag-ulan at pagbaha sa Metro e senyales na kontra ang dyos (nila) sa pagpasa nito, ako e nagising sa kwebang kinatitigilan ko. Tama na ang kamangmangang ito at kelangan nang patulan. At oo, gumawa pa ko ng bagong blog entry dahil sa pangyayaring 'to.

Pag-aralan natin ang mga sinasabi ng mga 'to. Umuulan at bumabaha raw ngayon dahil gustong ipakita ng dyos na kontra sya sa pagpapasa ng RH Bill, isang bill na sa kanilang paniniwala e hahadlang sa kautusan ng dyos na humayo't magpakarami. Teka, hindi kaya mensahe 'to ng dyos na dapat ipasa ang RH Bill dahil gusto nyang magbawas ng populasyon? Ibalot ninyo ang kukote nyo sa ideyang 'to, mga taong anti-RH Bill. (Paumanhin sa mga namatayan. Magkakampi tayo, hintay laang.) 


Pero, kaistupiduhan ang pag-iisip na ganito. Ang panahon (weather kung di mo alam ang Tagalog) e talagang gay-an. Di ba't me mga panahong inet na inet kayo't humihiling ng ulan? Umaaraw, umuulan, umiinet, bumabagyo. Iikut-ikot at mag-iiba 'yan. E ganito ang klima't panahon sa planetang 'to. Ano gagawen? Kung gusto nyo maghanap kayo ng ibang planeta na iba ang klima. 



Gusto ko sanang ipaliwanag sa inyo sa pamamagaitan ng agham kung pano nangyayare 'to, pero mukang hanggang sa ngayon e akala nyo e dyumidyinggel ang mga aso ni San Isidro kaya umuulan at nagbobowling si San Pedro kaya't kumukulog. Hwag na laang at sayang laang ang 'tinta' sa inyo. 

Paliwanag kung bakit merong ulan

Gusto pala ng dyos na magbigay ng mensahe tungkol sa RH Bill? Bakit 'di na laang maglabas ng higanteng kamay mula sa mga ulap ang dyos at pumirma ng kontra sa RH Bill para malinaw kung ano gusto nya (nang hindi nadadamay at namamatayan ang ibang walang kinalaman). 



Kung totoong kinasusuklaman ng dyos ang pagsasayang ng tamod e di dapat e matagal nang nagunaw ang ating daigdig dahil santambak ang 'nasasayang' sa tuwing merong nagsasariling sikap. Bibigyan ko pa ba kayo ng datos base sa isang research o tatanggapin nyo na laang ang salita ko? 

Hetong datos ko. Random search result para sa pangalang Heather sa Google: 


Ang utak e hindi pabigat sa bungo at pambalanse ng katawan, ginagamit 'yan. Gusto ko pa sana kayong paliwanagan at kumbinsihin, pero ilang siglo na ang dumaan ganyan pa rin ang pananaw nyo. 

Sabay-sabay nating kantahin: 

Every sperm is sacred 
Every sperm is good
If a sperm is wasted
God gets quite irate.

Alisin nyo na ang mga mata nyo ke Heather at baka 'magkasala' pa kayo.


No comments:

Post a Comment