Sunday, July 13, 2014

Sinong ating kaasaran ngayong bumalik na si LeBron James sa Cavs?

Kumpirmado na: Nagbalik na ang alibughang anak na si LeBron James sa dati nyang koponang Cleveland Cavaliers. 


Bukod sa mga gusto kong teams, ang isa sa nagdudulot sa akin ng saya sa panoood ng NBA e ang kumampi sa sinumang kalaban ng Miami Heat noong huling apat na taon, kahit ang ibig sabihin nito e ang umasang mananalo ang isang team na merong player na kapangalan - pero iba ang spelling - ni Isiah Thomas.

Heto ang suma tutal ng naramdaman ko nitong huling apat na NBA Finals:

2011 - Buti nga't natalo ang nagsabwatang Big Three! (At yey, nagkampeon sina Dirk Nowitski at Jason Kidd.)

2012 - Kinailangan pang kumampi ke Wade para magkampeon! Shortened season pa dahil sa lock out. Asterisk!

2013 - Sayang na Game 6 at natanga pa ang Spurs, lalo na si Manung nagtae. At least, si Ray Ellen ang bayani run. Sinwerte laang sila dahil nabano ang Spurs.

2014 - Aba'y anupi?! Dapat nga e hindi na sila nakaisa nung isang taon e. (Plus: LeBroning)

Mababakas ang bitterness sa bawat tagumpay ng Heat at nag-uumapaw na kaligayahan sa tuwing natatalo sila. Itong huli e napaaga ang aking Pasko. Sobrang saya ko ikinukumpara ko ito sa isang okasyong ikinasisiya ko laang noong ako e bata pa.   

Hater

Hindi ko alam kung bakit itinuturing na masama ang maging hater. Meron pa bang ibang uri ng kahulugan ang 'hater' bukod sa pagkakaintindi kong 'one who hates something/ somebody'? 

Bakit parang nega ang dateng sa iba kapag hater ka? Baket pakiramdam nila e ikasasama ko ng loob ang masabihang hater ako ng isang bagay/ tao/ team? Masama ba'ng maging hater? Ewan. 

Pero, isang bagay ang malinaw: Ayoko talaga sa Miami Heat dahil sa sabwatan ng Big Three at ang pananalasa ng flops ng magbest friends na LeBron at Dwyane. Naiintindihan ko kung paanong merong mga nagfa-flop sa depensa. Inilalatag nila ang katawan nila sa rumaragasang opensa at minsan e kelangang iexaj para makita ng mga refereeng parang galing WWE ang banggaan. Hindi ko sinasabing tama ito. Mas gusto ko sanang gumawa ng rule na kapag nahuli kang nagflop e automatic foul, plus T. 

"C-c-call... 9... 1... 1!" -Wade
Pero ibang antas ng kabuwisitan ang mga nagfa-flop sa opensa, gaya nitong huli ni Wade na akala mong nalaglagan ng mata nung merong dumaang kamay ilang milya ang layo mula sa kanyang muka. At dahil ang mga ref e merong mga hindi nakikita sa mga nangyayare, minsan napapatawag talaga sila base sa reaksyon. Buti nga't na-fine si Dwayne Wade, kahit na ang ibig sabihin nun e barya laang 'yun kumpara sa milyones na kinikita nya sa paghihintay ng pasa ni James sa fastbreak at pagdedepensang matador. 

Bumubula na ang bibig ko, wala pa ako sa mismong aking punto. Awat muna, Jerboy. 

Ang ibig kong sabihin sa mahabang pasakalyeng ito: Kung meron kang bagay na gusto, meron ka ring bagay na kaiinisan, lalo na kung taliwas ito sa bagay na gusto mo. 

Sabwatan

Hinihiram ko ang halimbawa ng kapatid kong mahilig rin sa basketbol noong pumutok ang sabwatan nilang tatlo. Kapag ang mga naglalaro ng basketball sa kanto e nagpipilian ng mga magkakampi, pinaghihiwalay nila ng team ang mga mahuhusay. Ang mga pinakamahuhusay, sa larong kanto, e hindi magsasabwatan para lumakas ang kanilang team dahil walang kaligayahan kapag nanalo ka sa isang team na talagang mas mahina dahil nasa inyo ang malalakas. Ang gusto ng mahusay e matalo nya ang kabilang team na merong kasing-husay kung hindi man mas mahusay sa kanya. 

Ika nga ni Michael Jordan, hindi nya maimadyin na tatawagan niya sina Magic at Larry Bird para magkampi sa iisang team.  
"There's no way, with hindsight, I would've ever called up Larry [Bird], called up Magic [Johnson] and said, 'Hey, look, let's get together and play on one team.' But that's ... things are different. I can't say that's a bad thing. It's an opportunity these kids have today. In all honesty, I was trying to beat those guys."
At ngayon nga e umalis na si LBJ sa sabwatan nila ni Wade at bumalik sya sa tinalikdan nyang koponan. Meron pa rin ba akong dahilan para mainis sa Heat at ke James? At kung kagaya kitang hater ni LeBroning James...  

Dapat pa ba tayong mainis ke James?

Dahil nakasanayan ko nang masusot at kumampi sa kanino mang kalaban ni James, ewan ko kung ganun pa rin ang aking mind set. Malalaan ko sa sandaling makapanood ako ng laro nya sa susunod na season. Sa sandaling makikita ko ang kanyang mga putang inang LeFlops, malinaw na ang sagot. Nakakadiring panoorin ang isang mala-halimaw ang katawang player kagaya ni LeBron James na tumataob sa konting kanti.  

Nakapagtataka't hindi sya tumaob dito.
Aling James kaya ang makikita ko, ang LeFlops o 'yung nagdemolish nang solo sa Pistons sa Conference Finals noon? 

Tapos nito, ang susunod na tanong e: Kanino na ako maiinis ngayon? Sino na ang kontrabida sa buhay ko?

1. Dwyane Wade

Nangre-rape na tingin: Panibagong dahilan
para kainisan si Wade.
Una, dahil buset ang seplling ng pangalan nya. 

Pinaliwanag ko kanina ang dahilan ng pagkasusot ko ke Dwayne Wade - ang kanyang flops. Noong mga unang taon, ang focus ng aking pagkasusot e ke James dahil sa The Decision. Pero nitong huling taon, hindi laang nabaling, nilampasan nya pa ang pagkasusot ko ke James sa kanyang mga heinous flops. Ito at ang kanyang listahan ng modus operandi, este offense pala: 

  1. Peke, maghintay ng babagsak na defender, talon (kahit na pa-diagonal at hindi straight line), maghintay ng pito ng ref. Punta sa free throw at umiskor ng two o three points, depende kung saan makakabingwit.
  2. Saksak sa ring. Kapag sumablay, tumingin sa ref at sa madla at humingi ng simpatya. Maghintay ng pito ng ref. FTs. Kapag walang pito, umiling at ituring ang sariling parang Lauro Vizconde ng hindi makapaniwalang walang sala si Hubert Webb. 
  3. Tumira ng occasional three na kapag pumasok e tatawagin ng commentator na occasional three.
  4. Umasang magdedepensa ang mga kakampi dahil walang yagbols ang kanyang depensa. Maghintay ng fastbreak opportunity at sumaksak sa ring. Basahing muli ang ikalawang opensa.
Kung gusto nyong makita ang isa pang tumataginting na dahilan para kaasaran si Wade, hanapin nyo sa YouTube ang video ng depensang kiki nya nung Finals. 

Ang susunod na tanong e kung nakakaasar pa rin ba sya kung hindi na sila magkakampi ni James? Paano kung mapunta sya sa isang gusto kong team? Maasar pa rin ba ako sa kanya? 

2. Dwight Howard


Nababaklaan ako sa laro ni Dwight Coward. Kung ito e nagdadaro sa isang liga sa kanto, malamang lahat ng matatandang nanonood e iiling na parang mga matatandang taga-Mabolo sa mundo ng pelikulang Kamagong at sasabihing hindi pa kumpleto ang kanyang syam na pagbibilog ng buwan dahil kalaki-laki nya e buraot sya sa loob at hindi makashoot. 

Merong dahilan kung bakit tinawag na Dwightmare ang kanyang pagdadaro sa Lakers noon. Iyun nga laang, nakakaasar laang sya kung sya e nasa team na kinakampihan ko, gaya nung nag-Lakers sya. Nung sya e napa-Rockets, 'ala na akong pakelam. 

3. James Harden

Kung hindi nyo mapapansin ang talent ko,
at least matatandaan nyo ang balbas at mohawk ko.
Noong nagdadaro pa ako ng NBA Live sa PS, isa sa mga naging uso sa aming tatlong magkakapatid na mahilig rito ang bumuo ng sariling NBA teams. Kumukuha kami ng isang walang kwentang team, at tine-trade namin ang mga players para makabuo ng isang bagong team. Kalimitan e mga hindi superstar players ang aming kinukuha. Walang mga MJ, Kobe, Shaq, etc. Mga hindi kilalang players na merong magandang player stats ang aming kinukuha, minomolde at pinipilit gawing MVP. Parang exaggerated version ng nangyari ke Jeremy Lin nung nasa New York Knicks sya kumbaga.  

Isa sa mga season na nilaro ko e pinilit kong gawing maging magaling ang isang player na ang pangalan e Toby Bailey. Ito ang naging bansag namin magmula noon sa kahit sinong players na pinipilit naming gawing magaling na players kahit wala naman talagang ibubuga bilang main player at MVP contender. Ginagamit rin namin ito bilang isang verb. 

Ngayon ko laang nakita ang tunay na larawan ni Toby Bailey
dahil sa Google.

At iyon ang pinipilit gawin ng Rockets ke Harden. Tino-Toby Bailey nila si James Harden. Magmula ngayon, dahil wala namang nakakakilala ke Toby Bailey, ang gagamitin ko na e Harden. 

Ang problema e dahil wala naman talagang kwentang main man ang poor man's main man na si Harden kaya't walang kwentang kumampi kontra sa kanya. Hindi kapareho ng saya ko ang makita syang matalo, gaya ng kina Wade at James.

4. Serge Ibaka



Tinawag kong Ibakla si Serge noong hinimas niya ang yagbols ni Blake Griffin. Pero, wala naman akong magagawa kundi humanga sa kanyang husay. Meron akong soft spot sa mga players na magagaling dumepensa. Nakakabilib ang mga players na nakikipagbanggaan, tumatapal ng bola, umaani ng rebounds at nagiging dahilan ng fastbreak at pag-iskor ng team. Kitang-kita ang pagkawala niya sa playoffs kontra sa Spurs. 

Kaasaran ko laang siguro ito kung linggu-linggo niya gagawin ito at hindi na sya maglalaro nang matino.

5. Blake Griffin



Mas kabaklaan ang hindi sya gumanti ke Serge Ibaka nung sinaltik ang kanyang bayag. Kungsabagay, iyon malamang ang dahilan kung bakit umurong ito at wala syang ginawa. 

Halatang numinipis, gaya ng bumbunan ni Manu Ginobili, ang listahan ng kaaasaran kong players. Nawalan na ng kontrabida sa NBA. Iisa laang ang kaiinisan ko dahil dito: Si James. Tang 'na mo, James, dahil pinili mong hindi na kita kaasaran. 


11 comments:

  1. I'm not really a fan of basketball but I sometimes find myself enjoying rather than getting pissed when I see NBA related posts from my FB friends. lol

    ReplyDelete
  2. Hindi po ako Basketball guru pero kilala ko by name sila Lebron at Wade dahil favorite players sila ng kuya ko. hehehe. Minsan na rin po akong nakanood ng mga laro nila at masasabi kong magaling po talaga sila at nagi-stand out tlga sa paglalaro. :)

    ReplyDelete
  3. Kung hater ka kailangan hate mo ang sarili mo, not others. Secondly, nice of you to follow this basketball thing. good luck na lang sa passion mo...basketball, pero pang international, kasi hate ang Filipino basketbolistas, I think, maybe?

    ReplyDelete
  4. Well, bottom line lang dyan: mabaklaan man tayo sa kanila o hindi, sikat pa rin sila. Naglalaroi pa rin sila sa NBA. Yun nga lang, ang pagpa-flop ay isa na ring diskarte ng mga nalalaro sa panahon ngayon at isa ring nakabibwisit nsa mata ng parehong analista, opisyal at mga manunood. Pero ano pa bangb bago sa mga bading na 'to? Ewan, ah basta. Kahit fan rin ako ni Wade, nakupalan ako sa ginawa niya noong nakaraang Finals. UGH. Magaling sa magaling pero minsan, kups din sa kups.

    Pero mabuti na rin na nagkampeon ang Spurs. At least, kahit nakakalbo na si Manu, may tatlo naman siyang tropeo. At least, ang limang championship ay singtangkad na ni Duncan at ang kanyang legasiya sa hardcourt.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Astig rin ng nagawa ni Duncan. Tatlnog magkakaibang dekada sya nagkampeon. Pambawi rin iyon para ke Manu.

      Delete
  5. Hindi naman masyadong obvious na NBA fan ka. Haha! Ako hindi talaga. The only basketball games I used to watch were the UAAP games back in college a long, long time ago.

    ReplyDelete
    Replies
    1. UAAP? Swerte ako't sa panahon ko e 4-Peat (plus Sweep) ang UST. Ewan ko kung nanalo pa uli sila matapos noon. Parang hindi ko na naririnig.

      Delete
  6. Nagkagulo ang timeline ko dahil sa pagbabalik ni LBJ. I ended up laughing sa post mo kay Blake. HAHAHA!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malaki ang shake up sa NBA roster sa taong ito. Excited akong makitang nagtapat sina James at Wade sa susunod na season.

      Delete
  7. Not a fan of basketball but a friend who is thought this is BIG news too! Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si LeBron talaga kasi ang pinakamagaling sa NBA ngayon, kahit matindi rin talaga si Durant na syang MVP noong isang taon.

      Delete