Noong ako e high school, required
kaming magsimba tuwing Linggo nang alas nwebe ng umaga suot ang aming school
uniform. Mantakin ninyong, gigising ako bago mag-alas nwebe dahil mag-aalmusal,
maliligo at maglalakad ako papuntang simbahan. Ibig sabihin nun e 8:30 na ang
pinakatanghali kong pwedeng igising. Sa araw ng Linggo! Alam ba ninyo kung
gaanong kaaga nun para sa isang teenager? Para mo na rin akong
pinagsimbang-gabi nun. Tapos, uniporme pa. Gusto kong imagine-in ninyong ako e naglalakad,
dumaraan sa ang aming kalsada’t nakikita ng mga kalaro ko sa basketbol na
nakapambasketbol na me hawak na bola ng basketbol at tinatanong ako ng, “May
pasok kayo ng Linggo? Di nga?”
![]() |
Not in photo - ang religion teacher |
At mauupo ako nang mga halos isang oras para makinig ulit sa
mga kwentong gaya ng tungkol sa tax collector at 'yung mga binhing itinanim sa iba't ibang klaseng lupa. Bukod sa nabasa ko na ‘yun sa Gospel
Komiks e narinig ko na rin ‘yun sa Religion teacher ko at sa mismong paring nagmimisa sa mga nakaraang misa.
(Nga pala, alam ba ninyong ang nagdodrowing dati sa Gospel Komiks na si Rey
Arcilla e nagdodrowing rin ng bold komiks nung mismong panahong nagdodrowing
sya ng Gospel Komiks?)
Pagkatapos ng misa, aabalahin
namin ang pari o yung lay ministers para sa kanilang pirma sa aming index cards
na magpapatunay ng aming pagsisimba. Siyempre, dahil hindi laang ako ang gagawa
nun kaya’t kelangan kong pumila. (Kung pila ke Hesus ‘to, e bubutas ako ng
bubong para mauna sa pirma.) Isipin nyo ang hassle nun sa akin at sa pari mismo. Sa dinami-dami ng gagawin ng pari, pipirma pa sya ng santambak na index cards ng mga estudyante? Sa lay
ministers siguro hindi hassle yun dahil kahit papano, nagmumuka silang may silbi. Nakakapag-feeling silang me kapangyarihan o may
saysay ang kanilang posisyon. Sa set up na iyon e kulang na laang e bigyan muna
nila kami ng test bago nila pirmahan ‘yung aming attendance.
Teka, ‘yun nga pala ang ginawa ng guro ko sa Religion noon sa high school –45 items ng aming
Quarterly Exams e galing sa labinlimang Linggong aming isinimba. Ano yung 45 items na 'yun? Ang bersong pinaghugutan ng homily, Salmong Tugunan at Panalannging Bayan. Sasauluhin yun dapat. Naabala
na nga akong gumising nang maaga, magsuot ng uniporme, hindi na nga makapagbasketbol, magtetest pa? Para akong Hudyong matapos ipasailalim sa gas
chamber, e ipasasaulo pa sa akin ang mga symbols, number of electrons (o kung
anuman yun) ng bawat element ng kemikal na nasa gas.
Buti sana kung ang test
e tipong essay tungkol sa mga parables ni Hesus. Pwede akong mambullshit para
umiskor nang mataas. Pero hinde, kinailangan naming sauluhin ang berso kung saan nanggaling ang
homily, ano ang Salmong Tugunan at ano Panalanging Bayan sa bawat Linggong
nasasakop ng quarter o grading period na yun.
![]() |
Nickel? Cansium? Iron? Cobalt? |
7. What did Jesus do to the fig tree that he encountered while he was... |
Alam nyo ginawa ko? Hindi ko
sinaulo ang putang inang mga iyon dahil hindi ako utu-uto at mas mahalaga sa
aking manood ng 21 Jump Street, Perfect Strangers o mangulangot. Ano ako sira? Sasauluhin ko ang
45 na items na ‘yun, para saan? Para mapangiti ko ang aking guro at mapaisip na
napakabanal ng estudyante nya’t nasaulo ang ilang walang saysay na kataga? Sa
katunayan nga ginagamitan ng overhead projector yung mga Salmong Tugunan at
Panalanging Bayang iyon noon dahil hindi kailangang sauluhin. Hindi kailangang
sauluhin dahil nagpapalit iyon linggu-linggo. Sa susunod na Linggo e lipas na ang
mga ‘yun at iba na ang gagamitin. Pano ko mapapakinabangan noon ang matandaan ang mga 'yun?
At pano ko gagamitin iyon ngayon,
mga 20 taon na ang nakakalipas? Kung dasal iyon gaya ng Hail Mary, nakikita ko
kung bakit kailangan. Not necessarily, dahil gusto kong dasalin ang Glory Be,
pero nakikita ko ang punto. Ang mga dasal na yaon e ilang daang taong gulang na (baka libo, i-check na lang ninyo sa wikipedia para me pangontra kayo sa akin) at naisalin na sa iba’t ibang wika. Ang mga Katoliko na gustong
magpaka-Katoliko e dapat alam ang mga yaon. Kaya’t sa ayaw mo man o hinde, ‘pag
sa isang Catholic school ka inenrol ng mga magulang mo, wala kang magagawa kundi
sauluhin ang mga dasal na ‘yun. Pero ang Salmong Tugunan at Panalanging Bayan?
Pagtutuunan ko pa ba ng pansin ‘yun samantalang merong ibang pwedeng pagtuunan ng pansin, gaya ng:
Pagtutuunan ko pa ba ng pansin ‘yun samantalang merong ibang pwedeng pagtuunan ng pansin, gaya ng:
- pagrarap ng Florante at Laura. Kapag binasa mo nang mali ang pause mo sa isang bahagi nun e magiging ganito: Ang laki sa layaw ay karaniwang hubad...)
- O magbasa ng - kung tawagin ng kapatid ko e - soap opera ni Jose Rizal, ang Noli at El Fili. Mas masaya ring magdrowing at sumulat ng mga buod ng kabanata, lalo na't hindi naman chinecheck ng aming guro ang aming notebook: "Mapanglaw ang gabi at unti-unting ginagapi ng pagkabagot ang magkapatid. Dinadalaw na sila ng antok sa tore ng simbahan, habang naghihintay sa pagbabalik ng sakristan mayor. Upang hindi tuluyang maalipin ng antok, pagkabagot at kapagalan ng katawan, tinalakay nila at pinagpustahan kung sino ang mananalo sa Ginebra at Tivoli sa semis ng PBA."
- Pagkalkula sa Trigo ng anggulo ng anino na nililikha ng flag pole sa tanghaling tapat. Okay, sinong niloloko ko. Wala rin akong pakialam run, pero alam kong merong mga natutuwang ibang tao run na gusto yung gamitin sa aplikasyon ng pagtatayo ng building o kung saan talaga ginagamit yung mga cosecant.
May saysay pa siguro yung mga
pinasasaulong berso kung pinasaulo o at least pinatandaan sa amin ang ibig
sabihin ng mga bersong ginamit sa homily. Kaso ang pinagawa laang sa amin e sauluhin
‘yung mga pangalan ng books, chapters and verses laang, hind ‘yung nilalaman. Hindi
kami nirequire na sauluhin ang nilalaman ng John 3:16. Hindi sa gusto kong magsaulo nun, pero kakayanin ko naman siguro dahil nasaulo ko at one point ng preamble ng constitution.
Alam nyo katumbas nito? Para kang pinagtest sa literature na walang ibang gagawin kundi isusulat mo laang ang page ng lesson ninyo nung bawat Huwebes na nagkita kayo sa loob ng isang grading period.
Pagdating sa verses, alam ninyo ang kabisado kong
verse? Yung ke Stone Cold, ‘yung Austin 3:16. “You talk about Psalms, you talk
about your John 3:16. Austin 3:16 says, I just whipped your ass!”
Alam nyo katumbas nito? Para kang pinagtest sa literature na walang ibang gagawin kundi isusulat mo laang ang page ng lesson ninyo nung bawat Huwebes na nagkita kayo sa loob ng isang grading period.
![]() |
14. Ang istorya ng Beowulf e makikita sa page #__ ng ________. |
![]() |
Kung ganito ang uniporme ng mga babae sa school namin noon, wala nang dahilan para ipost ko ang blog entry na 'to |