Naalala nyo pa ba ang patalastas ng Yakult noong 80s? Malamang e natatandaan nyo pa ang mga katagang 'lactubacillus casei Shirota strain' na syang pangalan ng mabuting bacteriang diumano'y nakatutulong sa pagtunaw ng ating kinakain.
Lumalabas sa mga pagsusuring ginanap sa UK na ang Yakult at iba pang katulad nito e hindi nakakatulong sa digestion sapagkat natotodas ang mga live bacteriang ito sa ating sikmura bago pa man makaabot ang mga ito sa ating small intestines. Wala akong pakelam kung nakakakanser ang Colgate Total, tutal ibang toothpaste ang gamit ko at hindi ko kinalakhan ang Total. Pero, ang malaang ang e isang malaking dismaya ang dulot sa akin.
Sa kaso ko, napipilitan laang akong uminom na Yakult noon. Hindi naman sa ayoko ng lasa nito at wala namang problema, masarap rin naman sa totoo laang. Ang problema ko noong ako e bata pa e ang ideyang para meron akong isinasalpak na supot na ari ng batang lalaki sa bunganga ko. Sa ilang dekadang pinilit kong iwaksi sa aking isip ang ideyang ito at umaasang kahit papano e bubuti ang aking kalusugan kapalit nito e malalaan kong wa epek laang pala ang lahat. Sa madaling salita dinildo ko ang bibig ko nang walang dahilan.
![]() |
Dapat e lagyan ito ng label na: No Approved Therapeutic Claims. When you wrap your lips around this phallic-shaped bottle, you do it for the taste and not its health benefits. |
Kahit mismong anak ko e ibinibili ko nito, lalo na't 'pag nagtuturo ng mga inuming tsokolate, dahil sa isip ko e masustansya ito.
Maaring sabihin nyong marumi laang ang isip ko. Sigurado akong hindi ako papasa mga tulad ng mga Pinay na celebrities na itong merong pinapauso ngayon. Ineendorso nila ang 'No-Sex Policy Before Marriage'.
Narinig nyo na ba ang ideyang ito? Hwag raw magsesex bago magpakasal. Noong araw yata, nauso ito noong pinangangalagaan pa ni Rosemary Sonora ang kanyang imahe ng pagiging mas birhen pa ke Maria.
Ang limang ito ang promotor ng ideya, nakasunud-sunod sa edad mula bata patanda: Janine Tugonon (Miss U contestant), Yeng Costantino (kung sino man iyon), Nikki Gil (ex ni Billy Joe Crawford), Toni Gonzaga (artista) at Miriam Quiambao (Miss U rin).
Sa kaso ni Nikki Gil, hiniwalayan sya ng kanyang shotang Billy Joe Crawford dahil sa mga bagay na hindi... Tayo ba e maglolokohan pa? Aminin na nga nating lahat na ang dahilan dahil 'di makaiskor si Billy Joe Crawford. Billy Joe, wala kang dapat ikahiya. Naiiintindihan ka namin. magkahalong awa't paghanga ang ibinibigay ko sa iyo. Dapat nga e sabitan ka ng medalya sa pagka-Mother Theresa mo sa halos limang taon mong pagtitimpi nang wala man laang napala ni konting BJ.
![]() |
Tanong: Ano ang pinagkapareho nyo ni Billy Joe Crawford? Sagot: Pareho nyong hindi naikama si Nikki Gil. |
Talaga laang pinauso ng byudong Christian motivational speaker at ng dating beauty queen sa sarili nilang hindi sila magpapandalihan hangga't wala silang permiso mula sa Dios. Itong permisong ito e ginagawa sa pamamagitan ng isang seremonyang pamumunuan ng isang tao. Pagkatapos nito e pwede na nilang pagkabitin ang kanilang mga ari. Sinong lalaki ang nagpopromotor nang ganitong pauso? Kung "Food is the fastest way to a man's heart", lumalabas na "Christianity is the fastest way to a woman's heart." Tanungin nyo ang asawa ni Rica Peralejo kung totoo ang aking sinasabi.
![]() |
Kahit si George Costanza e hindi kayang gawin ito. |
Bagama't sumusulpot ang itinatago kong pait sa swerte boy na ito, aaminin kong hinahangaan ko ang mga lalaking kagay niyang kayang magbitaw ng mga ganung klase ng linya. Pwede akong mag-imbento ng job description sa aking tarbaho, magpanggap na nagbibigay na nagbibigay ng limos, magpanggap na aktibo sa charity work, pero ibang antas ng BS ang itong binebenta ni Ardy at hindi kaya ito ng powers ko.
![]() |
My own bitter caption #236: Hanggang kinikita nyo laang sa SWA ang kaya nyong ipagmalaki sa FB. |
Ang mga lalaki malamang e nasusuot sa propaganda ito dahil nakakasira ito sa diskarte nilang makaiskor dahil sa impluwensya ng mga celebs na ito ang utak ng kanilang mga shota. Sa mga bubae naman, malamang e pinagtaasan ito ng kanilang mga ahit na kilay at iniisip ang linyang ito: Ano tingin nyo sa aming mga nakikipagsex na hindi kasal, pokpok?
Yun nga laang, 'yung mga mahiyaing bubae e hindi makapagkomento sa bagay na ito dahil ayaw nilang ipaalam na tumikim na rin sila ng luto ng Dios nang 'alang paalam. Sinasarili na laang nila tuloy at hindi makapagpatama sa FB o Twitter.
Maraming nagsasabing nagpapakaipokrita laang sila. Para sa akin e katawan nila iyon at nasa kanila ang desisyon kung ano ang gusto nilang gawin dito. Labas na tayo riyan.
Isa pa, kung lalake ka, kahit anong pagkasusot at pagkamangha mo rito, wala rin namang mababago sa buhay mo. Meron man silang Yes-to-Sex o Open-Door policy e hindi mo rin naman maiiyut 'yung mga 'yun at hindi sila abot ng powers mo, lalo na kung ang tanging naririnig mo laang na nagsasabing pogi ka e mismong nanay mo - at kapag inuutusan ka laang.
Pag narinig nyo ang 'No-Sex Before Marriage Policy' e iisipin nyong awtomatikong mangangahulugan iyon ng 'Yes-to-Sex Marriage Policy'. Neknek nyo. Sa mga binata pang nagbabasa nito, gusto kong tandaan nyong hindi Unli-Sex ang ibig sabihin ng kasal. Ang ibig sabihin laang nito e makakatipid kayo sa motel dahil magkasama na kayo sa bahay.
![]() |
Ang katotohanan ng sex within marriage. |
- tumulong sa gawaing-bahay, me katulong man kayong pinapasweldo o wala
- tumigil o magbawas sa paglalaro ng video games at anumang anyo ng laro, panonood ng mga panlalakeng palabas at iba pang gawaing panlalake
- makinig sa kung anumang reklamo nila tungkol sa tarbaho at katarbaho nila
- anumang random na bagay na maisipan gawin ng misis nyo at hindi kaya ng utak kong ikategorya sa isang bagong bullet point
Bawasan mo pang tsansa mo sa mga masasayang engkwentro kapag me anak pa kayo. Kung mathematician laang ako e iginawa ko na kayo ng equation.
Kaya't ako mismo e bumabalik-balik sa aking best friend na si Jergens paminsan-minsan. Kapag nag-asawa kayo, simulan nyo nang idagdag sa bokubolaryo ninyo ang mga sumusunod: udlot, purnada, at unsyami bilang pamalit sa 'rurok ng kaligayahan'.
Sa huli, ikaw e mapapa... (insert pun) |