Santambak ang articles sa newsfeed nyo sa Facebook ngayon dahil sa sentenaryo ng sektang kinaiinisan ng mga Ang Dating Daan at ng mga Katolikong nasora sa post kuno ng isang troll noong Yolanda.
At naka-isang daan na rin pala ang Iglesia ni Cristo na minsan e ginusto kong bumukod ng Pilipinas. Isipin nyo: Bawal sa kanila ang makipagrelasyon sa mga hindi kaanib ng kanilang relihiyon. Sarado ang kanilang utak sa pananw ng iba't sila laang ang raw 'maliligtas'. Kung gayun din laang ang gusto nila, inisip ko noong dapat e bumili sila ng sarili nilang isla sa Pinas at doon na laang tumira nang hiwalay sa mga hindi kaanib para walang hassle.
At sa mga panahong ako e susot na susot sa sitwasyong kinasasadlakan ko, ipinangako ko sa sarili kong kapag yumaman ako nang todo, bibilhin ko ang lahat ng kanilang sambahan at iko-convert at gagawing Iglesia ni Cristo Motel. Bago tumaas ang INC na kilay nyo lampas ng inyong noo, hayaan nyong ilahad ko ang pinagmumulan ng pait na ito - bahagi ng bigong love story ko noon ito.
![]() |
Mapapansin sa mga karatulang hindi pa rin ako yumayaman. |
Lahat gagawin ko sa larangan ng puso at puson. Hindi ako kumikilala ng relihiyon, kulay, taas, estado sa buhay, pagdating sa ngalan ng pag-ibig at ito ang dahilan kung bakit ang erehe kong mga talampakan e sumayad sa sahig ng templo ng mga INC.
Para makaiskor sa tsik na ito, ako e sumama sa kanyang sumimba, este, sumamba. Matatandaang hindi ako sumisimba, kahit na mismo sa simbahan ng relihiyong pinili ng mga magulang ko noong ako e sanggol pa. Isipin nyo kung gaanong kalaking bagay para sa aking sumama sa isang pagdakila sa Dios sa isang relihiyong iba sa aking kinamulatan.
Bago ito, nakasama rin ako sa mga bible studies ng mga Born Again at kung ano man ang tawag nyo sa propaganda ng mga Mormon na parang Electro Lux men. Nung nangyari ang mga iyon, hindi ko kelangang magbiis nang magara, magbyahe at maabala nang husto. Sa mga tanghaling tapat naman naganap iyon noong summber break ko noong high school. Ngayong pinag-iisipan ko ito, malaki rin pala ang isinakripisyo ko. Hindi ako nakapagsariling-sikap sa pagsama sa pag-aaral ng ilang berso sa Bibliya.
Pero bukod sa hindi sila pwedeng kumain ng dinuguan at matinding kaaway sila ng Iglesia ni Soriano at kinaasaran nyo sila kapag nagdfudulot sila ng traffic, ano pa ba ang nalalaan nyo sa mga INC? Heto ang ilan sa mga nalaan ko:
1. Attendance
Kung sa catholic school na pinag-aralan ko noon e merong index cards para magtsek ng attendance, meron rin ang INC. Ang pinagkaiba laang nito e para sa lahat ito ng kaanib at hindi para sa mga estudyanteng pinipilit magsimba ng eskwelahang napili para sa kanila ng mga magulang nila. Meron silang tinatawag na tarheta at nakita kong ipinihit ng tsik ko ang kanya.
Ipinaliwanag nyang kapag ilang beses kang hindi nakasamba, ituturing ka nilang iosang myembrong nanlalamig. At kapag gayon, binibisita ka ng nakatokang magtsek sa estado mo bilang myembro. Tatanungin ka kung bakit hindi ka nakakabisita't nakakalimot dumakila sa Panginoon.
Pagpasok namin sa loob, natuklasan kong...
2. Hiwalay ang upuan ng mga lalake at bubae.
Isang katotohanang hindi pinaalam sa akin ng tsik nung niyaya nya ako, pwera na laang nung kami e papasok na sa loob.
"Nga pala, magkahiwalay ang upuan ng mga lalaki at babae. Hwag kang mag-alala, magkatapat tayo mamaya ng upuan," sabi nya sa akin.
At ganun nga ang nangyari. Pumili kami ng mga upuan kung saan magkatapat kami. Ang tanging naghihiwalay sa ming dalawa e limang metro ng konkretong sahig ng aisle, pero pwede kaming magpalitan ng mga erotikong tingin. How romantic.
Meron kayang nagkakaselusang mga INC kapag merong katapat na ibang bubae sa samba ang mister/ BF nila?
"Sino 'yung katapat mo sa samba kanina? Umamin ka! Merong nakakita sa inyo."
![]() |
Balita ko e sa ganito nabisto ang lalaki sa INC version. |
Ito ang lumilikot sa aknig imahinasyon, habang naghihintay ng pagsisimula ng pagsamba dahil walang makikitang pyesa ng art sa gusali ng misa dahil...
3. Sa imbes na krus, ang koro ang nasa harap ng samba.
Habang naghihintay ng pagsisimula ng samba, wala akong makausap. Pwera na laang kung trip kong makipag-usap sa mga estrangherong lalake't ianunsyo ko ang pagka-Katoliko ng relihiyon ko.
![]() |
Nahiya laang akong magrequest ng 'Papuri sa Dios' noon. |
"Nasan ang krus ni Hesus? Nasaan ang mga santo? Saan ang sawsawan ng daliri para mag-antanda?" Ito ang mga tanong na ikalilikom ko ng "Lumayas ka, kampon ni Satanas" kung aking isasabunganga.
Ilang minuto pa't nagsimula nang magsikantahan ang koro. At parang mga model platoon ng CAT, sabay-sabay sila kung maglipat ng pahina ng mga lyrics sa folder nila. Ako e napabilib. Mahusay, sabi ko sa sarili ko, habang ikinukumpara ko ang choir sa Tanza na inoorganan ni Aling Norma kapag hindi sya inaatake ng rayuma.
Parang videoke, merong numero ang kanilang mga kanta at ito e pinapakita sa isang screen sa harap kung saan dapat naroon ang krus at altar ng mga Katoliko. Mas marami silang kinakanta nang sunud-sunod, 'di gaya ng sa Katolikong paisa-isa laang.
Hindi ko alam kung praktis laang iyung pagkanta nila dahil maraming sunud-sunod. Anuman iyon, ang masasabi ko laang e pinupunan ng awit ang kakulangan ng mga bayolenteng imaheng nakasanayan ko sa simabahan ng mga Katoliko para malagay ang mga myembro sa mood na sumamba dahil...
4. Bumabaha ng luha sa mga samba.
At ilang minuto pa e dumating na ang ministro o kung anuman ang tawag nila sa pari nila. Nagsimula nang magsidasal ang lahat. O nagsimula nang isingit ng lahat ang kaya nilang isnigit sa pagitan ng kanilang walang humpay na paghagulgol. Sumpa man, alam kong ako e kilala sa paggamit ng exaggeration sa aking mga sinusulat, pero hindi simpleng iyak ang itatawag mo sa nagaganap na yaon. Hagulgol, palahaw, siphayo, ngawa, atungal - iyan ang mga mas bagay na katagang gamitin. Kung uso pa ang mga taga-iyak sa burol ng mga Intsik, sa INC sila dapat naghahanap ng mauupahan dahil sila ang da best sa larangang ito. Ito e kung hindi labag sa kanilang relihiyon ang umiyak sa kamatayan ng hindi kaanib.
Sa Philippine Arena o Manalo Dome kaya ginanap ang kanilang sentenaryo? Kung gayon, malamang e pang-Guinness World of Records ito para sa pinakamaraming sabayang paghagulgol sa iisang gusali.
![]() |
Papayag kaya sila rito?: "This is WrestleMania XXXV and we are live at the Tithes Arena!" |
Ang pagngawa kayang ito e nagagawa nila ng lingguhan? At kung gayon, ano ang kanilang ginagawa linggu-linggo para mabago ang sitwasyon para hindi na sila umiyak sa susunod na linggo? Nahahalata na kayang hindi ako INC dahil hindi ako umiiyak? Magpapanggap na rin ba akong umiiyak? Palalabasin ba 'pag natuklasang isa akong infidel?
Sinubok kong tuklasin nung sumunod na linggo kung ganoon pa rin ang kanilang pag-iyak, pero hindi man laang ako nakatapak sa looban ng kanilang templo dahil...
5. Sinasarhan nila ang gate nila kapag nagsimula na ang samba.
Kitang-kita ng mga mata kong infidel ang mismong pagsasara ng kanilang gate. Late ako ng isang minuto at wala na akong magagawa sa bagay na iyon, kundi ang mag-siomai sa Chowking.
Naalala ko tuloy ang isang sinabi sa ko volunteer na nagbabantay at humarang sa amin noong World Youth Day sa Luneta noong '95 at nagsabing sarado na raw ang daanang aming nilabasan ng mga ilang minuto laang ang nakalilipas: "Hindi nagsasara ang pinto ng langit."
![]() |
Sa susunod, agahan nyo nang hindi napagsasarhan ng Pinto ng Langit. |
Hindi pala uubra ang gayon sa mga INC. Hindi pala pwedeng gawin ang ginawa ng kapatid ko noong na-late sya sa misa dati. Nagsimba sya sa sumunod na misa hanggang umabot sya sa hindi nya inabutang bahagi ng unang misa, parang noong panahong pwede mong gawin ang gayon sa sinehan.
Ganun pala sa kanila, sabi ko sa sarili ko. Hindi ba't dapat nilang tanungin ang sarili nila ng What Would Jesus Do o WWJD? At natuklasan ko rin sa samba, sa pangangaral nilang...
6. Hindi nila tinuturing na Dios si Hesus!
Sa samba ko unang narinig ang Council of Nicea kung saan, kasama ang ilan pang bagay na pinagpasyahan, pinagbotohan ang divinity o pagka-diyos ni Hesus. Naniniwala silang iisa ang dios at ito e ang Dios Amang para sa mga Katoliko e 1/3 laang ng Holy Trinity.
Kagulat-gulat para sa akin ito dahil hindi ko akalaing ang isang sektang merong nakakabit na Cristo sa pangalan e hindi naniniwalang diyos si Hesus.
Hindi na ako umabot sa puntong malalaan ko kung ano ang ikapu o kung nandaraya ba sila sa porsyento ng kanilang sahod kung paanong ang iba e nandaraya sa kanilang buwis dahil hindi rin naman kami nagkatuluyan. Meron kasing sumibol na ibang love story sa akin at isang Katoliko.