Pinaiingatan sa 'yo ng Dyos ang uten at yagbols mo dahil baka plano nyang pag-asawahin ka ng isang puta, gaya ni Hosea.
At inutusan ng Dios si Hoseang mag-asawa ng isang puta't magkaanak dito. Lahat para laang gamitin ang kanyang married life bilang metapora sa relasyon ng Dios sa mga Hudyo. Si Hosea ang Dios at ang puta e ang Israel. Isang metapora para ipakita kung paanong ang Israel e isang puta para pumatol sa mga dyus-dyosan (partikular na si Baal) at ang Dios e ang mapagmahal (at nagpupuyus sa galit) na si Hosea.


Bukod sa pag-aasawa ng puta, inutusan rin syang pangalanan ang mga anak nya: Jezreel (o in a little while dahil in a little while e gaganti na ang Dios), Lo-Ruhamah (o no mercy dahil hindi na sya magpapakita ng awa) at Lo-Ammi (not my people dahil itinakwil na nya ang Herusalem), mga pangalang 'di mo maiisip para sa alaga mong aso. Pag pinagsama-sama mo ang mga pangalan nila e mabubuo ang mensahe nyang:
Sa ilang saglit laang e paghihigantihan kita, aking itinakwil na Hudyo.
No comments:
Post a Comment