Tuesday, September 9, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang pagtatanggal ng 'Kanor' sa listahan ng mga bagyo

Noong ako e bata pa ang mga pangalan ng bagyo e mga pambubae. Magkakakilanlan tayo ng edad kapag naaalala nyo ang Unsang. Sa tradisyon yata kasi e talgang pangalang bubae ang ginagamit at kung hindi ako nagkakamali ito e kalimitang ipinapangalan noon sa mga biyenan, kung hindi man mismong misis nila. Ito e bilang pangungutya o malambing na biro sa mga tigre sa buhay ng mga lalaking nagpapangalan nito. 

Nakaka-miss tuloy si Pepe Pimentel at ang kanyang biyenan jokes.
Hindi ko alam kung kelan nauso sa Pinas 'yung lalaking pangalan ang ginagamit sa mga bagyo. Ewan ko kung merong kinalaman ang mga feminista sa bagay na ito, pero hindi ko na ikagugulat kung sila nga ang me pakana nito. 

Ngayon e tinanggal sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa PAGASA ang pangalang Kanor dahil 'yung matandang lalaking iyon agad ang pumasok sa isipan nyo - aminin. Sumagi ba sa isip nyo si Nicanor Abelardo? Nakow, iki-click pa ang link para malaan kung sino siya?

Pupusta akong walang problema ang PAGASA
sa bagyong Lito ang pangalan.

Mang Kanor. Yan, sa ganyan kayo magaling. At dahil sa dito kaya't binura ang pangalang ito. Ang 'di ko malaan e kung bakit tinanggal. 

Dahil ba kinukondena nila ang kanyang sex scandal? Kapag pelikula ni Eddie Garcia, hindi kadiri, pero kapag si Mang Kanor e oo. Hindi sa idinidepensa ko ang kalibu... este kaigtingan ng pagnanasa ni Mang Kanor, pero hindi ba't karapatan ng bawat tao ang maipangalan sa kanya ang isang bagyo? 


Aba'y gusto kong merong bagyong maipangalan sa akin. Pero dahil sa pangyayaring ito, naiba na ang misyon ko sa buhay. Gusto kong makapag-iwan ng marka kapag nilisan ang mundong ito at iyon e ang ipagbawal ang pangalan ko sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa Pilipinas, parang si Mang Kanor.

Hindi kaya iba ang dahilan? Walang kinalaman sa kanilang moralidad ito malamang. Hindi kaya iyon e dahil hindi magagawang magbalita ng mga weathermen at news crew nang hindi napapabungisngis sa tuwing babanggitin ang pangalang... Bagyong Kanor! 

Narito na po sa Bicol ang bagyong... Mang Ka... este, Kanohohor!
Sa mga ganitong pagkakataong nakakamiss ang isa pang namaalam na alamat na si Ernie Baron na kilala rin bilang Walking Encyclopedia (dahil hindi pa uso ang Google at Wikipedia noong kasikatan nya). Siguradong kayang-kaya niyang dalhin iyon sa kanyang sense of humor. Naiimadyin nyo ba si Mang Ernie na binabanggit ang pangalang Kanor? 

Imadyinin nyo ito sa boses ni Ka Ernie: "Pinag-iingat po ang Bicol dahil parating na si Kanor. Siguruhin po ninyong ligtas ang inyong mga anak. Ilikas po sila kung saan hindi sila mahahagip ni Kanor."

Ewan ko kung kaya iyon ng lalaking gumigimik pag-we-weatherman sa pamamagitan ng pagsusuot ng sombrero na kung tawagin ng nakararami e bilang Kuya Kim. Hindi makabenta sa akin ito. Aba teka, ito pala e muntik nang mamatay ng dalwang beses? Tingnan mo nga naman, dalwang muntik na balita iyon. Aabangan ko na laang bago ko ibalita.

Hindi naman sa gusto ko na syang mamatay. Kilala natin ang mga Pinoy kapag meron namamaalam, lalo na't bata pa. Ang malimit nating nasasambit e, "Sa dinami-dami ng kukunin na ni Lord, bakit si __________ pa?" Bakit nga ba si Mark Gil pa? 

Sa araw na namaalam si Mark Gil, e noon rin sumambulat ang mga hubad na litrato sa internet nina Jennifer Lawrence ng Hunger Games (para sa mga Kanong hindi nakapanood ng Battle Royale) at ng isang Elizabeth Winstead na ginoogle ko pa para malaang 'yung cheerleader na maganda sa Death Proof

Hindi man ako nakapagpost ng tribute post sa Facebook para ke Mark Gil e gusto kong malaan ng mga kamag-anak nyang sa imbes na magdownload ako ng mga litrato ni Death Proof e mas inatupag kong manood ng Batch '81 bilang pagpupugay. 

Aba'y dapat pala e binabalikan ko ang Soldatenkaffee.
Alam kong cirrhosis of the liver ang ikinamatay ni Mark Gil at sana e hindi insensitibo para sa kanya ang ginawa kong pagpupugay, pero gusto kong ihandog sa kanya ang isang baso ng beer na paulit-ulit kong ipinasok sa bibig at iniluwa hanggang matapos ang pelikula. 

Sa mga nakakaalam, si Mark Gil ang tunay na Sid Lucero
at ang binanggit kong baso ng beer.


11 comments:

  1. Tama nga naman. Napakahusay mo Sir. Hindi kaya nabiktima rin sila ni Mang Kanor kaya iniiwasan nila ang Kanor. haha "Sa kabila ng lahat" lang ang naabutan ko kay Mark Gil. :) na nandun sya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para kasing sa DSWD ang diretso ng biktima ni Kanor, hindi sa mga evacuation centers.

      Delete
  2. Wala akong napanuod na Mang Kanor video pero I presume sobrang lakas ng dating niya kaya siya iniwasan ng PAGASA. Ganun katindi!

    RIP Mark Gil. One of the best actors in the country.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa laang ang napanood ko noon. Tindi rin ng ambag niya sa pp culture.

      Delete
    2. I have nominated you as a Liebster awardee! Congrats! You may check my blog post to officially accept the award. :) Happy holidays, kabayan!

      http://baredmysoul.blogspot.com/2014/12/liebster-award-recepient-again.html

      Delete
    3. Salamat! Nakupo, ngayon ko laang nabasa itong comment mo at nasa bakasyon ako noon. Salamat uli.

      Delete
  3. Magaling ang iyong pagkakasulat. Matindi din ang konek ni Mang Kanor at Mark Gil. Hehe....

    ReplyDelete
  4. Ako naman 'tol iba na naaalala ko sa pangalang Mang Kanor. Hindi lang 'yung Kanor na nang-molesteya ng bata kundi si Kanor na nakabugbugan ko noong college ako. Kasi naman ex-bf siya ng naging syota ko tapos mahilig pang umepal. Kaya minsan nung nakainom ako nagselos ako nung makita ko siya na kausap ang gf ko tapos sinugod ko siya. Bandang huli puro galos ang likod ko nung makadkad sa semento LOL.

    ReplyDelete